Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtitiis, Isang Bunga Ng EspirituHalimbawa

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

ARAW 5 NG 5

Pasensya laban sa Karapatan

Kuwento sa Bibliya: Exodo 16:1-18

Tema na Talata: Santiago 5:8-9

Mga estudyante, ngayong linggo ang ating laban ay para sa pasensya laban sa karapatan. Ang karapatan ay kapag ang isang tao ay naniniwala na siya ay karapat-dapat sa mga pribilehiyo, at karaniwan ay nagmamataas tungkol dito. Ito ay makikita sa mayayamang bansa kung saan inaasahan ng mga tao na dapat ay mayroon sila ng lahat ng bagay na gusto o kailangan nila. Ang karapatan ay matatagpuan din sa mahihirap na bansa, kung saan iniisip ng mga tao na may karapatan silang mamalimos dahil dapat silang bigyan ng pareho sa iba. Wala alinman sa dalawa ang mabuti.

Nais ng Diyos na tayo ay maging matiyaga at magtiwala sa Kanya.

Sa kuwento sa Bibliya ngayon, natagpuan ng mga anak ng Israel ang kanilang sarili sa isang matinding pangangailangan at nagsimulang humingi at makiusap sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya na nagmaktol sila laban sa Diyos, at nagreklamo at sinabing sana ay nanatili na lang sila sa Ehipto sa halip na sumunod sa Diyos sa ilang. Naghihiyawan sila na mas gusto pa nilang mamatay sa Ehipto.

Ngunit pagkatapos ay may hindi inaasahang pangyayari! Mapaghimala silang inalagaan ng Diyos, nagpadala Siya ng mana at pugo mula sa langit! Tuwing umaga mayroong tinapay na makakain, isang manipis na piraso na tinatawag na mana. Sa karagdagan, tuwing gabi ay mayroong pagkaing karne, mga ibon na tinatawag na pugo na ipinapadala ng Diyos sa kanilang daan. Gayunman, kahit na ginawa ng Diyos ang mga himalang ito, sila ay patuloy na nagmaktol. Sa Mga Bilang 11: 6, ang mga tao ay nagreklamo, "Datapuwa't ngayon ay nawala ang ating gana sa pagkain; wala na tayong ibang nakikita kundi ang manang ito!" Nagalit ang Diyos sa mga anak ng Israel dahil sa kanilang pagmamaktol at pagrereklamo. Pakiramdam nila ay mayroon silang karapatan, kung saan maaari silang humingi ng pagkain mula sa Diyos.

Sa katotohanan, wala sa atin ang may pagkakautang sa sinuman. Hindi tayo maaring humingi mula sa Diyos, sa ating pamahalaan, sa ating mga magulang, sa ating mga simbahan o sa mga dayuhan. Dapat tayong magkaroon ng pasensya sa halip na magkaroon ng pakiramdam na may karapatan.

Mga Tanong:

1. Anong ang mga bagay na inaasahan mong matatanggap mula sa gobyerno?

2. Mayroon ba kayong isang kalapit na bansa na may ibang hanay ng programa na alam ng lahat?

3. Ang mga tao ba ay nagmamaktol sa kung anong wala sila, o nagmamalaki sa kung anong mayroon sila?

4. Ano ang madalas sabihin ng mga tao kapag sila ay nagmamaktol at nagrereklamo sa kung ano ang wala sila?

5. Natukso ka na ba na humingi mula sa Diyos?

Aplikasyon sa Buhay:

Sa linggong ito wala kang utang sa sinuman. Sa bawat oras na nais mong humiling ng isang bagay, pigilan ang iyong sarili. Sa bawat oras na magtatagumpay kang pigilan ang iyong sarili sa paghingi ng pagkain, pabor, oras o tulong; panalo ka laban sa kasalanan.

Ang plano sa pagbabasa na ito ay kinuha mula sa Equip & Grow Children's Curriculum. Ginamit ni Kristi Krauss ang bunga ng espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayong kumilos. Magkaroon ng planong ito sa bahay, pagkatapos ay gawin ang buong kurikulum sa Simbahan gamit ang mga aklat, laro, sining, kanta, dekorasyon, at marami pang iba!

https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang-araw na planong ito sa pagbasa ay nagpapakita ng mga labanan ng PAGTITIIS laban sa pagkabigo, kalungkutan, kayabangan, galit, at karapatan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo sa pagkilos at maging mga kampeon ng PAGTITIIS sa ating pang araw-araw na buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/