Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtitiis, Isang Bunga Ng EspirituHalimbawa

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

ARAW 1 NG 5

PAGTITIIS laban sa pagkabigo

Kuwento sa Bibliya: Exodo 32

Bersikulo: Colosas 1:11

Maligayang pagbabalik sa "kampeon". Ang kuwento ngayong araw sa Bibliya ay tungkol sa mga Israelita at ang kawalan nila ng pasensya. Ito ay 3 buwan lamang (Ex 19: 1) nang sila ay iligtas sa mga salot, iniligtas sa pagkaalipin sa Ehipto, at tumanggap ng proteksyon ng Diyos sa pamamagitan ng haligi ng apoy at ulap. Iniligtas silang muli ng Diyos sa pagtawid sa Red Sea, nagbigay sa kanila ng himala ng tubig sa disyerto, at bumagsak mula sa langit ang tinapay at karne araw-araw upang sila'y pakainin! (Ex 16:1)

Tinawag ng Diyos si Moises sa bundok kung saan siya ay namalagi ng mahabang panahon (40 araw, Ex 24:18). Hiniling ng mga tao kay Aaron na gawan sila ng diyos. Ipinatipon ni Aaron ang kanilang mga ginto at bumuo ng isang guyang baka at sinamba nila ito sa isang pista ng pagkain at sayawan. Nakita ng Diyos ang kanilang kasalanan at sinabi kay Moises na magmadaling bumaba ng bundok. Parehong nagalit ang Diyos at si Moises at pinarusahan ang mga tao sa kanilang pagsuway at kawalan ng pasensya. Nakipag-usap ang Diyos sa atin tulad ng ginawa Niya sa kanyang mga tao noon

Binigyan Niya tayo ng pangako at direksyon sa ating buhay. Maaaring tawagin Niya tayo sa misyon, o bigyan ka ng pagsinta para sa bagay na kaya mong gawin sa hinaharap. Maaari Niyang hilingin sa iyo na maging guro, pastor, o isang doktor. Minsan, tinatawag o itinatalaga tayo ng Diyos ilang taon bago ito mangyari. Ito ay kapag kailangan natin ng pasensya. Alam natin na tinawag tayo ng Diyos kahit na hindi ito nakikita ng iba. Mahirap na makaligtaan tayo at matrato na parang wala tayong maihahandog. Marahil naramdaman mo na sinabi ng Diyos na pagagalingin ka Niya at ikaw ay may sakit pa rin.

Ang Diyos ay hindi limitado sa oras tulad natin. Ang Diyos ay palaging buhay, at patuloy na mabubuhay nang walang hanggan. Mayroon tayong mortal na katawan ngayon at nararamdang umaandar ang oras. Para sa mga Israelita, ang buwan na nasa bundok si Moises ay matagal at sila ay nainip. Sa halip na naghintay para sa Diyos na nagligtas sa kanila ng maraming beses, sila ay gumawa ng isa pang diyos. Maaari tayong matukso na matupad ang pangako ng Diyos sa pagaayos ng mga bagay-bagay sa ating sarili, at sinusubukan itong mangyari sa ating sarili. Iyon ay hindi pagpapala ng Diyos. Ang pagpapala mula sa Diyos ay dumadating kapag tayo ay matiyaga at nagtiwala sa Kanya na gagawin ang Kanyang gawain sa Kanyang takdang panahon. Paano nalimutan ng mga Israelita ang lahat ng mga kahanga-hangang himala na ginawa kamakailan lamang ng Diyos? Alam natin eksakto kung paano nila nakalimutan, dahil nakakalimutan din natin kung ano ang ginawa ng Diyos sa ating buhay!

Ang pasensya ay isang mahalagang bunga ng Espiritu. Gamit ito, maaari tayong maging makapangyarihang lalaki at babae ng Diyos. Gayunman, kung walang pasensya, tayo ay magiging katulad ng mga sanggol, inililipat-lipat sa paligid mula isang buwan hanggang sa susunod. Ang pasensya ay tutulungan kang maging hindi tulad ng isang sanggol

Mga Tanong

1. Paano nangungusap ang Diyos sa atin? Ano ang huling bagay na sinabi Niya sa iyo?

2. Ano ang maaari nating gawin upang hindi natin makalimutan ang mga himala ng Diyos na kasing bilis ng ginawa ng mga Israelita sa kuwento ngayon?

3. Ano ang ibig sabihin ng walang hanggan? Paano naging posible na tayo ay mabubuhay magpakailanman?

Aplikasyon sa Buhay

Isulat sa dumi ang isang bagay na ginawa ng Diyos para sa iyo sa nakaraan, pagkatapos ay markahan ang lugar na iyon ng bato. Gumawa ng isa sa simbahan, bawat mag-aaral ay gagawa ng kanilang sariling espesyal na lugar, at gumawa ng isa pa sa bahay sa linggong iyon. Pagkatapos mong markahan ng bato ang iyong lugar, ibahagi sa ibang tao kung ano ang ginawa ng Diyos.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang-araw na planong ito sa pagbasa ay nagpapakita ng mga labanan ng PAGTITIIS laban sa pagkabigo, kalungkutan, kayabangan, galit, at karapatan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo sa pagkilos at maging mga kampeon ng PAGTITIIS sa ating pang araw-araw na buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/