Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagtitiis, Isang Bunga Ng EspirituHalimbawa

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

ARAW 4 NG 5

Pasensya laban sa Galit

Kuwento sa Bibliya: 1 Samuel 25

Tema na Talata: Efeso 4:26

Sa linggong ito pag-aaralan natin ang tungkol sa galit dahil ito ay salungat sa pasensya. Ang galit ay isang interesanteng emosyon, dahil maaari tayong mabulag nito. Maaari kunin nito ang ating buong pagkatao, at wala na tayong ibang isipin. Maaari tayong magalit habang nagkakasala tayo laban sa iba, o sa ating sarili. Ang pinakamahirap kontrolin na galit ay kapag tayo ay napagkasalahan. Kapag alam natin na tayo ay tama, dito pinakamahirap kontrolin ang ating galit.

Ito ang nangyari sa kuwento sa Bibliya ngayon. Si David ay nagalit dahil siya ay napagkasalahan. Si David ay naglalakbay na may kasamang 600 na lalaki. Siya ay nagpadala ng ilang tao nang mas maaga upang humingi kay Nabal ng pabor na pakainin ang kanyang mga tauhan habang sila ay naglalakbay sa lugar. Dahil si David ay nagbibigay na ng mga pabor kay Nabal sa mahabang panahon, na nakatitipid siya ng oras at pera, ito ay nasa karapatan ni David na humingi ng kapalit na pabor.

Gayunman, sinabing mapanghamak ni Nabal, HINDI!

Dahil dito, nagalit si David, at nagpasya na maghiganti. Si David ay papunta na kasama ang 400 tauhan upang patayin si Nabal, nang si Abigail (asawa ni Nabal) ay naabisuhan sa panganib, at nagmadali siyang magsimula upang mailigtas ang panahon. Siya ay nag-impake ng masarap na pagkain para sa 600 mga tao, at naglakbay upang salubungin si David. Siya ay yumuko, at humingi ng paumanhin sa pag-uugali ni Nabal, at ibinigay ang pagkain sa kanya. Tila iniligtas ni Abigail ang buhay ni Nabal. Ibinahagi ng Bibliya ang kuwento na nagpapakita na si David ay may karapatang magalit.

Gayunman, nang pinigilan ni Abigail si David sa paghihiganti, ang kuwento ay nagbago, at ipinakikita na mas pinoprotektahan ni Abigail si David kaysa kay Nabal. Maaaring si David ay may karapatan upang maghiganti, ngunit ito ay hindi mabuti. Siya ay maaaring tama, ngunit hindi pagpapalain.

Kahit na tila iniligtas ni Abigail si Nabal, ang katotohanan ay iniligtas niya si David mula sa kanyang galit. Ang karunungan sa sitwasyon na ito ay upang maging mapagpasensya sa halip na magalit. Sa katapusan, pinarusahan ng Diyos si Nabal sa kanyang pagkakamali laban kay David.

Kapag tayo ay nahaharap sa desisyon sa pagitan ng galit at pasensya, maaari nating tanungin sa ating sarili ang parehong katanungan. Gusto ba nating maging tama, ngunit hindi pinagpala? O sa halip ay pipiliin ang pinakamabuting paraan na maghahatid sa mas maraming pagpapala?

Mga Tanong:

1. Ano ang mali sa pagiging galit kapag tayo ay napagkasalahan?

2. Ikaw ba ay itinuring nang mali kahit ikaw ay tama?

3. Ipaghihiganti ba ako ng Diyos?

Aplikasyon sa Buhay:

Bumili ng ilang maliit na bagay upang ipamigay bilang regalo. Sa tuwing ikaw ay nagagalit, ibigay ang isang bagay sa taong may galit ka. Subukang tanggalin ang iyong galit sa pamamagitan ng pagbigay ng maliliit na regalo sa mga tao, at panooring lumago ang iyong pasensya.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Pagtitiis, Isang Bunga Ng Espiritu

Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang-araw na planong ito sa pagbasa ay nagpapakita ng mga labanan ng PAGTITIIS laban sa pagkabigo, kalungkutan, kayabangan, galit, at karapatan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo sa pagkilos at maging mga kampeon ng PAGTITIIS sa ating pang araw-araw na buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/