Pagtitiis, Isang Bunga Ng EspirituHalimbawa
Pasensya laban sa Kapalaluan
Kuwento sa Bibliya: Daniel 4
Tema na Talata: Mangangaral 7:8
Ngayon ay pag-aaralan natin ang kapalaluan at kung paano tayo ibabagsak nito. Sa katunayan, maaaring sirain tayo ng ganap ng kapalaluan kung hahayaan natin ito! Ang katotohanan ay dapat lagi nating kilalanin na ang Diyos ang tumulong sa atin na makamit ang anumang mayroon tayo, at dapat Niyang matanggap ang lahat ng papuri. Mas ipag-yabang natin ang ating nagawa, mas maraming problema ang dadating sa atin.
Ang kuwento ngayon sa Bibliya ay tungkol kay haring Nabucodonosor na nakatayo sa kaniyang bubong, nagmamasid sa kanyang kahanga-hangang kaharian. Naisip niya sa kanyang sarili, "Kamangha-manghang lungsod na ginawa ko sa aking sariling kapangyarihan," partikular na sinasabing,
"Ako ay napakahusay!" Binigyan siya ng babala ng Diyos sa isang panaginip na maging maingat sa pagmamalaki, o Diyos mismo ang magbababa sa kanya. Gayunman, siya ay naroon nakatayo sa kanyang rooftop, na puno ng pagmamalaki para sa lahat ng kanyang nagawa. Kaya ibinaba siya ng Diyos.
Ang mga salita ay nasa labi pa rin ng hari ng may isang tinig mula sa langit ang kumuha ng kanyang kapangyarihan. Siya'y pinalayas sa kanyang kaharian, at nawala sa katinuan. Nagpagala-gala siya sa labas ng lungsod gaya ng mga baka at ang kanyang buhok at mga kuko ay lumago. Ang sikat na haring ito ay naging tulad ng isang ligaw na hayop na nabubuhay mag-isa sa labas. Ang kapalaluan ay isang pangit na kasalanan, at ang Diyos ay walang pasensya para dito. Maaaring ibaba ng Diyos ang tao, tanggalin ang kanilang magandang trabaho o magbigay ng sanhi upang mawalan sila ng pera. Ang Diyos ang pinakamakapangyarihan at nagmamalasakit Siya para sa atin. Kapag tayo ay naging mapagmalaki, ito ay para sa ating kapakanan na ibaba tayo ng Diyos. Sa kabilang dako, maaari nating mas mapadali ang buhay sa pagpapakababa sa ating sarili bago Niya gawin ito. Ang kapalaluan ay laban sa bunga ng espiritu.
Sa buwang ito pag-aaralan natin ang tungkol sa pasensya. Maaaring maging napakahirap maghintay. Minsan kailangan nating maghintay sa Diyos upang tuparin ang Kanyang ipinangako, o maghintay sa iba na gawin ang kanilang ipinangako. Alinman sa dalawa, ang kapalaluan ay maaaring humadlang sa ating pasensya. Mas mataas ang tingin natin sa ating sarili, mas ayaw nating maghintay sa iba. Ang hari ay hindi dapat naghihintay sa kahit na sino! Mas tingin natin sa sarili natin ay tulad ng hari, mas ayaw nating maghintay.
Sinasabi sa Bibliya na ang haring ito'y nabuhay tulad ng isang hayop ng 7 "beses", na maaaring ibig sabihin ay 7 taon! Pagkatapos ng oras na iyon, si Nabucodonosor ay tumingala sa langit at kinilala ang Diyos na tunay na hari sa lupa, at pinuri at niluwalhati niya ang Diyos. Ang kanyang katinuan ay bumalik sa kaniya, at siya ay ibinalik bilang hari.
Nais mo bang ibaba ka ng Diyos, o magpakumbaba sa iyong sarili? Pumili ka.
Mga Tanong:
1. Sa tingin mo ba ay nabaliw talaga ang hari at kumain ng damo?
2. Kapag sinabi ng Bibliya na ibinaba ng Diyos ang hari sa paggawa sa kanyang baliw, tayo ba ay maniniwala dito?
3. Paano magpapakababa ang hari upang
4. Paano kumilos ang mga tao tulad ng hari sa inyong komunidad?
Aplikasyon sa Buhay:
Gumawa ng mga aktibidad upang magpakumbaba.Maaari mong ibigay sa iba ang iyong lugar sa linya, iwasan ang manood ng palabas sa TV kung saan ang tauhan ay puno ng pagmamalaki, ibigay ang iyong lugar sa entablado o sa harap ng iba, o pahintulutan ang iba na maging tama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang-araw na planong ito sa pagbasa ay nagpapakita ng mga labanan ng PAGTITIIS laban sa pagkabigo, kalungkutan, kayabangan, galit, at karapatan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo sa pagkilos at maging mga kampeon ng PAGTITIIS sa ating pang araw-araw na buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/