Pagtitiis, Isang Bunga Ng EspirituHalimbawa
Pasensya laban sa Pighati
Kuwento sa Bibliya: Job 1-2
Tema na Talata: Mga Awit 119:50
Sa linggong ito ay tayo tututok sa pasensya dahil ito ay iba sa pighati. Ang mga tao sa buong mundo ay nagdurusa sa diskriminasyon, natural na kalamidad, pag-uusig, sakit at kamatayan. Walang sinuman sa mundong ito ang makapagtatago sa tiyak na paghihirap. Hindi tayo mapoprotekhan ng pera, kapangyarihan o katanyagan mula sa paghihirap.
Para sa mga Kristiyano, ang hamon ay kung paano tayo tutugon dito. Papayagan ba natin ang kalungkutan mula sa ating sakit na pigilan tayo at hilahin tayo pababa? O palaguin ang ating pasensya sa pamamagitan ng sakit at maging buhay na halimbawa sa mundo?
Sa aklat ni Santiago (Santiago 5: 10-11), binanggit ng Diyos ang pasensya sa harap ng paghihirap, idiniin Niya ang buhay ni Job bilang isang magandang halimbawa. Sinabi sa Salita na ang lahat ng may tiyaga sa pamamagitan ng pagdurusa ay itinuturing na pinagpala.
Ang salaysay ng Bibliya tungkol kay Job ay napaka-interesante dahil binubuksan nito ang ating mga mata sa higit sa karaniwang mundo kasama ang mga anghel, ang Diyos sa langit at ang diyablo na gumagala sa lupa.
Ipinagmalaki ng Diyos sa diyablo ang tungkol sa isang kahanga-hangang tao na nagngangalang Job. Sinabi ng diyablo na si Job ay nagpapakabuti dahil siya ay pinagpala ng Diyos, at hinamon ang Diyos na kapag kinuha Niya lahat ng mga pagpapala ay isusumpa ni Job ang Diyos. Dahil doon, binigyan ng pahintulot ng Diyos ang diyablo na atakihin si Job, at sa loob ng isang araw ay pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga alagang hayop, mga lingkod, at pamilya! Hindi isinumpa ni Job ang Diyos, at sa gayon ay binigyan ng pahintulot ang diyablo na atakihin ang kalusugan ni Job. Sigurado ang diyablo na kung si Job ay personal na maghihirap ay tunay nga na susumpain niya ang Diyos dahil sa kaniyang paghihirap. Si Job ay naroon, sa lupa balot ng napakasakit na sugat, nawala lahat ng kanyang kayamanan at buong pamilya, ngunit siya ay tumangging sumpain ang Diyos at sisihin Siya sa kaniyang pagdurusa. Ginipit siya ng kanyang asawa at dumating ang kanyang mga kaibigan at sinisi siya. Sinabi nila kay Job na maaaring siya ay nagkasala kaya nagkaroon siya ng lahat ng sakit at kamatayan sa kanyang paligid. Gayunman, si Job ay nanatiling tapat sa Diyos, at patuloy na nagtiis sa halip na hayaan ang kahirapan na hilahin siya pababa.
Makikita natin sa sulat ng Bibliya na gusto ng Diyos na parangalan natin Siya sa kasiyan at paghihirap. Hindi lamang tayo dapat maging mabuting Kristiyano kapag ang lahat ay nasa ayos. Sinabi ni Job sa kanyang asawa, "Dapat ba nating tanggapin ang mabuti lamang sa kamay ng Diyos, at hindi ang problema?" Ang sakit at kamatayan ay natural. Ang pighati mula dito ay likas din at makatao.
Gayunman, ang pasensya habang tayo ay dumaraan sa isang mahirap na sitwasyon ay higit sa karaniwan. Kailangan nito ang tulong ng Diyos, at buong pagtitiwala sa Kanya.
Ang bawat tao'y dumadaan sa hirap. Gayunpaman, kung hahayaan mong lumago ang pasensya sa iyo sa halip na kalungkutan at reklamo, ikaw ay magiging isang ganap na Kristiyano.
Mga Tanong:
1. Bakit hinahayaan ng Diyos na magdusa tayo?
2. Bakit ang mga mahal natin ay kailangang mamatay?
3. Paanong ang paghihirap ay posibleng maging isang pagpapala?
Aplikasyon sa Buhay
Sumulat ng pasasalamat sa Diyos tungkol sa bagay na iyong pinagdusahan.Subukan itong sabihin tulad ng ginawa ni Job, "Ang Panginoon ang nagbigay at ang Panginoon ang nag-alis. Purihin ang pangalan ng Panginoon." Ibahagi sa klase ang iyong patotoo kung maaari.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paano maaaring magtagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang limang-araw na planong ito sa pagbasa ay nagpapakita ng mga labanan ng PAGTITIIS laban sa pagkabigo, kalungkutan, kayabangan, galit, at karapatan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo sa pagkilos at maging mga kampeon ng PAGTITIIS sa ating pang araw-araw na buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/