Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng PagsubokHalimbawa
Sinasabi sa atin ni Santiago na ituring na lubos na kagalakan kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok. Ngunit ano ang kagalakan? At paano natin ito mahahanap sa mga pagsubok na iyon?
Kamakailan ay gumugol ako ng mahigit sa isang buwan sa pagbabasa at pagsasaliksik ng kagalakan, at pagkatapos ng lahat ng pag-aaral na iyon, naabot ko ang simpleng kahulugang ito:
Masusumpungan natin ang kagalakan kapag inilagay natin ang ating PAG-ASA kay Jesus at mananampalataya tayo sa Kanya.
Ang kagalakan ay nagmumula sa pagkakaroon ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, pagtitiwala sa plano ng Diyos para sa pagsubok, at pagtitiwala sa Diyos sa paglalakbay. Hindi lamang pagtitiwala kundi paniniwala at pananalig na alam Niya ang malaking larawan at dinadala tayo sa paglalakbay para sa Kanyang layunin at kaluwalhatian.
Nagtitiwala ka ba sa Diyos sa iyong pagsubok? May pananampalataya ka ba sa Kanya? Maging tapat sa sarili mo.
Nakakausap ko ang maraming tao bawat linggo na dumaraan sa pagsubok ng pagmamahal sa isang adik. Lahat tayo ay may parehong pangamba para sa ating mga mahal sa buhay: overdose. Naniniwala akong iyan ay isang dahilang napakaraming ina, ama at asawa ang naniniwalang ang pakikibaka ng kanilang mahal sa buhay ay kanila ring laban. Natatakot tayong mapunta sila sa mga lansangan at doon mamatay!
Ang katotohanan ay ang adiksyon ay maaaring humantong alinman sa paggaling, sa institusyon, o sa kamatayan. Ngunit kahit na mangyari ang overdose, dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa plano ng Diyos. Dapat tayong magtiwala sa Kanya. Sapagkat napapaloob sa pagtitiwalang iyan ang kagalakan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
More