Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng PagsubokHalimbawa

Joy for the Journey: Finding Hope in the Midst of Trial

ARAW 4 NG 7

Sa buhay na ito, magkakaroon tayo ng kapighatian. Sinabi pa nga iyan ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa Juan 16:33, at isinulat ni Santiago ang “Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.”

Kagalakan. Paano ako magkakaroon ng kagalakan gayong ang aking anak na lalaki o babae ay nasa lansangan? Paano ako magkakaroon ng kagalakan gayong ang aking asawa ay umuuwi nang lasing gabi-gabi? Paano ako magkakaroon ng kagalakan ngayong ang aking mahal sa buhay ay ayaw namang bumalik sa ayos? Paano ako magkakaroon ng kagalakan ngayong ang aking kapatid na lalaki ay nasa bilangguan?

Alam ng Diyos ang ating mga pagsubok bago pa natin pagdaanan ang mga ito, at alam Niya ang eksaktong sandaling tinatamaan tayo ng mga ito. Walang pagsubok na dinaranas natin ang sorpresa sa Kanya.

Maaaring hindi natin alam ang mga bakit o paano, ngunit alam ng Diyos. Alam Niya kung BAKIT natin ito pinagdaraanan, at mayroon Siyang plano at layunin, ngunit nasa atin kung paano tayo tutugon sa mga pagsubok na ito.

Ang pagtanggap at pagyakap sa mga pagsubok ay malamang na hindi magreresulta sa pagkaligtas mula sa mga ito. Mapagdaraanan natin ang mga ito tulad ng lahat ng ibang tao. Sa kalagitnaan ng pagsubok, maaari tayong magkaroon ng ibang pananaw at mas mahusay na tugon sa mga pangyayaring nakapanlulupaypay at nakauupos ng pag-asa.

Maaari pa nga tayong makaranas ng kagalakan habang dumaranas ng mga paghihirap.

Maaari nating piliing upuan ang isang pagsubok at tangkaing "ayusin" ito dahil naniniwala tayong mas alam natin ang gagawin, ngunit hahantong lamang ito sa ating maghinanakit, maging miserable, at magkasakit. Ang mas mabuting pasya ay ang ibigay ang lahat sa Diyos at pagtiwalaan Siya habang pinagdaraanan ang pagsubok.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Joy for the Journey: Finding Hope in the Midst of Trial

Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Hope Is Alive Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.hopeisalive.net