Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng PagsubokHalimbawa
![Joy for the Journey: Finding Hope in the Midst of Trial](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Noong mas bata pa ang mga anak ko, nagbahagi ako ng larawan sa social media ng aming pamilya na naglalakad sa parke. Nakakuha ito ng 117 likes at mga karaniwang komento tulad ng:
- Kahanga-hangang larawan ng isang masayang pamilya.
- Ang larawang ito ay dapat nasa isang patalastas.
- Gustung-gusto ko ito!
- Napakagandang pamilya!
Ngunit ipinakita sa larawan ang isang pamilyang "nagpapanggap" na ang lahat ay maayos. Kung titingnan mo sana ito gamit ang aking mga mata, makikita mo ang:
- Isang tatay na maaaring lasing o hindi.
- Magaganda at mga inosenteng bata na walang ideya kung ano ang nangyayari, na karapat-dapat sa malusog na mga magulang ngunit walang kasalukuyang ama.
- Isang nanay na nakakaramdam ng sakit at galit, na nagpapanggap ng kanyang ngiti, nagpapanggap ng isang perpektong pamilya, nagpapanggap na masaya. Isang ina na nag-iisip kung magiging maayos pa ba ang buhay, na halos hindi makatingin sa kanyang asawa, na gustong-gustong gumanda ang buhay ngunit hindi sigurado kung mangyayari pa ito.
- Isang pamilya sa isang kakila-kilabot na bagyo na tinatawag na adiksyon.
Kamakailan, nagbahagi ako ng larawan ng aming pamilya sa pangkasalukuyan. Nakakuha ito ng 150 likes at mga komento tulad ng:
- Magandang pamilya
- Gustung-gusto ko ang pamilyang ito...
- Ang gandang larawan ng isang magandang pamilya
- Kahanga-hangang larawan
Sa pagkakataong ito, ang larawan ay nagpapakita ng isang pamilyang nasa—at patuloy na nasa—isang paglalakbay tungo sa pagpapagaling. Tinitingnan ko ito at ito ang aking nakikita:
Maaaring ang iyong pamilya ay katulad ng una... desperado na makahanap ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakan. O baka ang iyong pamilya ay katulad ng pangalawa... isang pamilya na nakatagpo ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakan at nagpapatuloy sa inyong paglalakbay.
Kahit aling “larawan” ang pinakanauugnay sa iyo, naroroon ang Diyos sa dalawa.
Nariyan ang Diyos sa mga hukay at taluktok. Nariyan ang Diyos sa mga tagumpay at trahedya. Kasama ng Diyos ang aking pamilya noong kami ay nagkukunwari, halos nangungunyapit sa buhay, at ang Diyos ay kasama natin ngayon habang ipinapahayag natin ang Kanyang biyaya sa pamamagitan ng ating kalusugan at kahinaan.
Kung nandiyan ang Diyos sa LAHAT ng sitwasyon, maaari nating yakapin ang KALAGALAKAN sa paglalakbay dahil kasama Niya ang ating KAGALAKAN.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy for the Journey: Finding Hope in the Midst of Trial](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F44485%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
More