Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng PagsubokHalimbawa
Noong 2015, bagsak na bagsak ako at nangangamba sa kung ano ang sasapiting kinabukasan ng aking pamilya. Wala akong kaalam-alam tungkol sa adiksiyon o kung talaga bang isang alcoholic ang aking asawa. Ang alam ko lang ay miserable ako, at talagang naniniwala akong wala na akong kawala sa habambuhay na paghihirap na ito.
Isinama ako ng Diyos sa isang lakbaying tungo sa kagalakan sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanya at pagpapahintulot sa Kanya na maging gabay ko. Ngayon, masaya ako, may pag-asa, malakas, at may kagalakan.
Maaaring ang ilan sa inyo ay nagtataka, Paano ako magkakaroon ng kagalakan samantalang ang aking asawa ay umiinom maghapon? Paano ako magkakaroon ng kagalakan habang ang aking anak na babae ay nakakulong? Paano ako magkakaroon ng kagalakan ngayong ang aking anak na lalaki ay palaboy sa lansangan?
Maaaring isiping ang lakbaying iyong nilalakaran ay parang isang dapat sana'y masayang biyahe na napasama, at ngayon nagtataka ka, Nasaan ang Diyos? Bakit ba tayo nasa biyaheng ito? Paano ako magkakaroon ng anumang kagalakan ngayon? Pagod na akong magsuot ng maskara at magpanggap na okay lang ang lahat.
Natutunan ko sa paglipas ng mga taon na ang Diyos ay naririto mismo sa lakbaying ito—lumalakad katabi natin—at matatagpuan natin ang kagalakan kung ilalagay natin ang ating PAG-ASA kay Jesus at mananalig sa Kanya.
Ang pangalan ko ay Amy LaRue. Sa susunod na ilang araw, ibabahagi ko nang paunti-unti ang aking kuwento at kung paanong natagpuan ko ang malakas na pag-asang mayroon ako kay Jesus. Umaasa akong makakatagpo ka ng pag-asa sa aking kuwento at matutuklasang ikaw rin, ay maaaring magkaroon ng kagalakan sa paglalakbay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
More