Kagalakan sa Paglalakbay: Makatagpo ng Pag-asa sa Gitna ng PagsubokHalimbawa

Halos tuwing naglalakbay ako, may mga nadaraanan akong mga pasikot-sikot at balakid sa daan. Madalas na naaantala ang mga paglipad, hindi pa handa ang mga rentang sasakyan, nagdudulot ng aberya ang lagay ng panahon, ang konstruksiyon ay nagpapabagal sa trapiko, at ang bawat stoplight ay pumupula... patuloy itong nangyayari. Maaaring maramdaman ko ang pagkabalisa, pagkainis, o pagkauhaw, ngunit sa huli, ipinagpapatuloy ko pa rin at hindi ko hinahayaang ang mga balakid na iyon ay pigilin ako sa pagpunta sa pupuntahan ko.
Ganito rin ang paglalakbay natin kasama ang ating mga mahal sa buhay. Bagama't hindi natin matukoy kung anong mga pasikot0sikot ang maaaring nasa unahan, MAAARI tayong magpasya kung paano tayo tutugon.
Wala tayong kontrol sa paglalakbay ng ating mahal sa buhay, gaano man natin subukang gawin ito, gaano man karaming pagsasaliksik ang ating gawin, kahit ilang beses tayong makiusap sa kanila, gaano man karaming rehab ang ating tawagan. Ang kanilang paglalakbay ay kanilang sarili.
Sinasabi ko ito mula sa karanasan. Sinubukan kong kontrolin ang paglalakbay ng aking asawa, ngunit lalo lang akong nagalit at lalo pang nagdamdam. Nagmakaawa ako, nagsumamo, nagbanta, sumigaw, nagbigay ng tahimik na pagtrato... lahat ito, sinubukan ko. Ngunit sa huli, ginusto ko ito nang higit pa kaysa sa gusto ng aking asawa, na humantong sa akin sa landas ng sama ng loob, galit, pagkabalisa, takot, pait, pagkabigo, at kawalan ng pag-asa.
Gusto ko lang bumalik ang pamilya ko. Nais kong bumalik ang aking asawa. Gusto ko ng kapayapaan. Gusto kong umasa.
Gusto ko ng kagalakan.
Ngunit natutunan ko na ang tanging paglalakbay na kontrolado ko ay ang sa aking sarili. At karapat-dapat akong makahanap ng kapayapaan, pag-asa, at kagalakan anuman ang anyo ng paglalakbay ng ibang tao—kabilang na ang paglalakbay ng aking asawa. Maaari kong piliin na alagaan ang aking sarili. Maaari kong piliing manatili sa aking landas ng pagbawi.
Dapat ko ring tandaan na ang Diyos ay kasama ko sa bawat pagliko at pagkakabangga sa daan. Alam na Niya ang mga pasikot-sikot na kinakaharap ko. Kailangan kong tandaan na ang mga ito ay bahagi ng Kanyang plano, bahagi ng mas malaking larawan, at bahagi ng Kanyang layunin.
Maaari kong piliin na magtiwala sa Diyos at magtiwala sa kagalakan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Maaaring hindi natin ito laging nakikita o nararamdaman, ngunit ang Diyos ay lagi nating kasama... kahit pa tayo ay dumaranas ng mga kahirapan. Sa gabay na ito, ang Finding Hope Coordinator na si Amy LaRue ay sumusulat mula sa kanyang puso tungkol sa pakikibaka ng sariling pamilya sa adiksiyon at kung paanong namayani pa rin ang kagalakan ng Diyos sa pinakamadilim na yugto ng kanilang buhay.
More