Hindi OkayHalimbawa
Ang pagtanggi ay maaaring magmula sa maraming iba't ibang lugar . . .
Maaari kang tanggihan ng mga kaibigan na nagpasya na ayaw na nilang sumama sa iyo.
Maaari kang tanggihan ng isang kapareha na nagpasya na oras na para makipaghiwalay.
Maaari kang tanggihan ng isang sports team na sinubukan mo, isang trabaho o isang kolehiyo kung saan ka nag-a-apply, o isang scholarship na naisip mong makukuha mo. Eto kasi 'yun. . . kahit saan man nanggaling ang pagtangging 'yan, laging masakit. Hindi ito nagiging madali. Ang pagtanggi ay palaging personal na nararamdaman. Laging mahirap malampasan ito agad-agad at makapagsimulang muli.
Anumang pinagmumulan ng pagtangging iyon, maaari mo itong palaging dalhin sa parehong lugar. Isinulat ni Pedro sa pagbabasa ng Biblia ngayon na maibibigay natin ang lahat ng ating stress at pag-aalala sa Diyos. Maaaring masaktan tayo nang panandalian, ngunit ipinangako ng Diyos na kukunin Niya ang ating mga alalahanin, stress, at, oo, maging ang hindi pagtanggap sa atin. Iyon ay hindi nangangahulugan na ang sakit ay mawawala agad-agad. Hindi ito ganoon. Ngunit nangangahulugan ito na hindi natin kailangang dumaan dito nang mag-isa.
Si Pedro ay may isa pang magandang paalala sa pagbabasa ngayon, . . . hindi lang tayo ang dumadaan dito! Kapag naramdaman nating tinanggihan tayo, madaling makaramdam na nag-iisa tayo. Ngunit ang totoo, maraming tao ang dumaan sa parehong sitwasyon at sa huli ay nagtagumpay. Maaaring hindi mo ito nararamdaman ngayon, ngunit balang araw ay mararamdaman mo rin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.
More