Hindi OkayHalimbawa

Mayroon kang malalaking layunin sa buhay. Ang lahat ay meron din. Maaaring gusto mong pumunta sa Hollywood at maging artista. Marahil ay nakatuon ka sa isang partikular na landas sa kolehiyo o karera. Siguro'y gusto mong maging isang propesyonal na atleta o may-akda. Ang lahat ng ito ay malalaki at mahahalagang layunin. At dapat mong subukan ito! Pero medyo nakakatakot din sila, di ba? Paano kung hindi ito gumana? Paano kung mabigo ka?
Halos anumang malaking layunin na mayroon ka sa buhay ay may panganib ng di-pagtanggap. Totoo iyan kung iniisip mo man kung anong trabaho ang gusto mong makuha, isang pangarap na gusto mong makamit, o kahit na sa mga kaibigan na gusto mong magkaroon. Sa alinman sa mga pagkakataong ito, maaari kang matanggihan. Madaling matakot sa pagtanggi. Sa katunayan, maaaring ganoon na lang ang ating takot kaya't magpapasya tayong huwag na itong subukan. Ang panganib ng pagtanggi ay mukhang mas nakakatakot kaysa sa kilig na magtagumpay, kaya nagpapasiya tayong mas mabuti nang ligtas kaysa magsisi.
Ngunit hindi iyon ang paraan sa pagtahak sa buhay. Sa malao't madali, kailangan mong sumubok ng isang bagay.
Alam ng Diyos na mahirap harapin ang posibilidad ng pagtanggi. Maaari itong lumikha ng maraming stress at pag-aalala sa ating buhay. Paano kung hindi tayo umabot? Paano kung mabigo tayo? Ilang beses ba natin dapat subukan bago tayo sumuko? Kapag ganito ang nararamdaman mo, alalahanin ang paanyaya na ibinigay ni Jesus sa talata sa Biblia ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.
More