Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 13 NG 28

Ilang taon ang nakalipas, pinagsama-sama ng mga eksperto ang isang listahan ng mga pinakamahihirap sabihin na salita sa wikang Ingles. Naroroon ang isthmus, na ang ibig sabihin ay isang makitid na piraso ng lupa. Masyado bang madali ito para sa iyo? Ito kaya: sesquipedalian. Maniwala ka man o hindi, iyan ay nangangahulugan na "nailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mahahabang salita."

Ang isa sa pinakamahirap na sabihin sa wikang Ingles ay wala sa listahan. Hindi dahil iyan ay mahirap bigkasin, kundi mahirap sabihin: sorry.

Ang "sorry" ay ang pag-amin sa isang tao na nagkamali ka. Nangangahulugan ito na napagtanto mo na ang isang tao ay nasaktan sa sinabi o ginawa mo, at gusto mong subukang itama ito. Ito ay isang mahinang pagkilos — at ito ay mahalaga. Isinulat ni Santiago na mahalagang ipagtapat ang iyong mga kasalanan sa isa't isa, ipinapaalam sa atin ang kahalagahan ng pagiging tapat sa isa't isa, kahit na ito ay napakahirap.

Kapag may nangyayaring alitan at nakakaramdam ang isang tao ng di-pagtanggap sa kanya, kailangan mong ayusin ito sa malao't madali. Nangangahulugan iyon ng pagsasabi ng sorry, at hindi iyon madali. Sinasabi ng Biblia na ang dahilan kung bakit napakahalaga na magtapat kapag may nagawa tayong pagkakamali ay simple: ito ay kung paano tayo magsisimula sa proseso ng pagpapagaling. Kaya sanayin na sabihin ang mahirap na salitang ito, at hayaang simulan ang pagpapagaling.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org