Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 15 NG 28

May alam ka bang magagandang bugtong? Sa paglutas ng isang kumplikadong bugtong ay tila lumalakas ng kaunti ang ating kumpiyansa. Nauudyukan tayo ng pakiramdam na iyon na ilagay ang lahat ng ating lakas sa pag-iisip ng sagot, ngunit ang paghahanap para sa sagot na iyon ay maaaring magbigay ng stress. Napakaraming bagay ang nag-uudyok sa atin na kumilos at mamuhay sa paraang ginagawa natin. Sa tamang motibasyon, halos lahat ay magagawa natin.

Sa pagbabasa ngayon, tuklasin mo ang kuwento ng isang lalaking kilala bilang Haring Herodes, na naudyukan ng lahat ng maling bagay — gusto niyang patunayan ang kanyang sarili at protektahan ang kanyang katayuan. Kaya, nang hilingin na gumawa ng isang bagay na kakila-kilabot, sumuko siya sa mga motibasyon na iyon kahit na nakapinsala ito sa iba. Ang kailangan dito ni Herodes ay integridad. Sa pribado, gusto niya si Juan at nasisiyahan siyang bisitahin siya noong ito'y nasa bilangguan. Gayunpaman, sa publiko, nais ni Herodes na igiit ang kanyang sarili kay Juan at gamitin ang kanyang kapangyarihan upang hindi isipin ng iba na siya ay mahina. Kailangan ni Herodes ng tulong sa paggawa ng tama sa bawat sitwasyon.

Ang paggawa ng tama ay hindi laging madali, ngunit gaano man ito kahirap, inaanyayahan tayo ng Diyos na maging mga taong may integridad at gawin ang tama sa bawat sitwasyon. Sa tuwing ikaw ay nasa isang mahirap na sitwasyon, maaari kang umasa sa Diyos upang bigyan ka ng lakas na kailangan mo upang makagawa ng tamang desisyon at mamuhay nang may integridad. Maaari kang makaramdam ng stress kapag kailangan mong gumawa ng mabigat na desisyon, ngunit paaalalahanan ka ng Diyos kapag hindi madaling gawin ang tama, sulit pa rin ito.

Banal na Kasulatan

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org