Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 1 NG 28

Alam mo ba kung ano ang stress? Hindi parang, "Na-stress ka na ba?" pero mas katulad ng, "Alam mo ba kung ano ang nangyayari kapag na-stress ka?" Idinisenyo ng Diyos ang bawat isa sa atin na may kamangha-manghang sistema ng pagtugon na likas sa ating mga katawan. Ang sistemang ito ay nagpapanatili sa atin na makaramdam na ligtas, at ang panahon na makaranas tayo ng stress ay ang panahon na ang sistemang ito ay pansamantalang aktibo. Maaaring tumaas ang tibok ng iyong puso, at maaaring mabago ang takbo ng iyong paghinga dahil ang iyong katawan ay naghahanap ng tulong upang kontrolin ang iyong stress.

Sa panahon ng ministeryo ni Jesus, nakilala Niya ang isang babae na naghahanap rin ng mga pamamaraan upang makontrol ang kanyang stress. Siya ay may isang kondisyon kung saan siya ay dinudugo nang tuloy-tuloy, na humahadlang upang siya ay ganap na makibahagi sa lipunan. Siya ay nakakaranas ng pisikal, mental, at emosyonal na stress, subalit nakipag-ugnayan siya kay Jesus. Nakipagsapalaran siya, at nang mahawakan niya ang laylayan ng Kanyang damit, siya ay gumaling.

Sa mga sandali ng ating stress, kung minsan ang magagawa lamang natin ay abutin si Jesus at umasa para sa isang bagay na mas mabuti — o kahit isang bagay na naiiba. Maaaring maging desperado tayo para sa pagbabago at mangailangan ng katiyakan na ang Diyos ay kasama natin. Marami tayong matututunan sa kuwento ng babaing ito tungkol sa paglaban, pagtitiyaga, at kung paano tumuon sa Diyos kapag kailangan natin ang pag-asa. Ang bawat isa sa atin ay makakaramdam ng stress o mababahala sa kalaunan. Maging ito man ay sa paaralan, mga relasyon, o iba pang mga bagay na nangyayari sa mundo, kakailanganin natin ng plano kung paano mahahanap ang pag-asa kapag kailangan natin ito. Sa kabutihang palad, mayroong mga kuwentong katulad nito upang ipaalala sa atin na kapag ikaw ay hindi okey, nag-aalok si Jesus ng pag-asa.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org