Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 8 NG 28

Natatandaan mo ba noong tinanggihan ka? Maaaring inaya mo ang isang taong lumabas o kaya naman ay naghain ka ng ideya para sa isang group project na hindi pinansin. Maaaring nakagawa ka ng isang bagay na alam mong hindi dapat dahil nag-aalala ka na baka tanggihan ng grupo ng mga taong kasama mo. Ang pagtanggi ay isang makapangyarihang pwersa para sa atin, at ang sakit na iniuugnay sa pagtanggi ay talagang nakakabagabag.

Sa pagbasa ngayon, mapapakinggan mo ang tungkol sa panahong pinahayo ni Jesus ang mga alagad upang pumunta sa bawat bayan. Sinabi Niya sa kanila na ibahagi ang isang mensahe sa mga tao at binigyan sila ng partikular na mga tagubilin tungkol sa kung ano ang maaari nilang dalhin. Higit pa rito, sinabi Niya sa kanila angeksaktong dapat gawin kung ang mga tao sa bayan ay tanggihan ang kanilang mensahe. Parang inaasahan ni Jesus na tatanggihan ang Kanyang mga alagad.

Hindi natin makokontrol kung paano tutugon ang mga tao sa atin kapag tayo ay nagsisimulang magbahagi kung sino si Jesus. Tatanggapin ng ilang tao ang mensahe, at ang iba ay tatanggi sa mga bagay na ating ibinahagi. Ngunit anuman ang mangyari sa atin kapag tayo ay humayo upang sabihin sa iba ang tungkol kay Jesus, palagi Niya tayong tinatanggap. Kahit na masakit ang mga pagtanggi, ang mga alagad ay maaaring tumingin kay Jesus upang ipagtanggol sila at at paalalahanan sila na may kinabibilangan sila. Kung tinanggihan ka kamakailan o natatakot ka sa pagtanggi sa hinaharap, maaari kang tumingin kay Jesus upang ipakita sa iyo kung saan ka kabilang. Kapag tinanggihan ka ng mga tao, hindi ka kailanman tatanggihan ni Jesus.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org