Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hindi OkayHalimbawa

Not Okay

ARAW 10 NG 28

Ang Beatles ay ang pinakasikat na rock band sa kasaysayan at isa sa mga pinaka-maimpluwensyang music acts noong nakaraang siglo. Kaya't kakatwa bang muntik nang hindi ito mangyari para sa Beatles? Noong simula, apat lang silang mga teenager na lalaki na hindi makahanap ng kumpanyang gusto silang kunin. Apat na beses silang tinanggihan bago may sumubok sa kanila. Isang malaking producer ng musika ang nagsabi sa kanila na hindi siya interesado dahil "malapit nang kumupas ang musika ng gitara."

Madali para sa atin na magulat na may tumanggi sa The Beatles ngayon. Mayroon tayong pananaw na wala sila noon. Nakikita natin ang buong kuwento.

Sa parehong paraan, madali rin para sa atin na magtaka kung bakit napakaraming tao ang tumanggi kay Jesus. Hindi lang Siya tinanggihan ng mga ito. . . pinatay nila Siya sa krus. Paanong hindi nila naiintindihan kung sino talaga Siya?

Maaaring hindi natin naiintindihan, ngunit naunawaan ni Jesus. Kusa Niyang tinanggap ang pagtangging iyon. Sa pagbabasa ng Biblia ngayon, ipinropesiya ni Isaias na magdurusa si Jesus at gugugulin ang halos buong buhay Niya sa sakit. Alam Niyang mangyayari ito sa Kanya. Naparito pa rin Siya. Hindi dahil gusto Niyang matanggihan kundi dahil gusto Niyang ipakita kung gaano Niya tayo kamahal.

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Not Okay

Titingnan natin ang apat na pangunahing sanhi ng stress na kinakaharap nating lahat at tingnan kung paanong ang Salita ng Diyos ay makapagbibigay sa atin ng kaaliwan, gabay at tulong sa bawat isa sa kanila. Pag-uusapan natin kung ano ang iniaalok sa iyo ni Jesus kapag hindi ka okay, kung ano ang nais ng Diyos na malaman mo kapag tinatanggihan ka ng mga tao, kung ano ang gagawin kapag hindi madali na gumawa ng tama, at kapag tayo ay nag-aalala, makikita natin kung ano ang sasabihin ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Stuff You Can Use sa pagkakaloob ng gabay na ito.Para sa higit pang impormasyon, bistahin ang: https://growcurriculum.org