Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 16 NG 25

Ang mga pastol sa kuwento ng Pasko ay ilang linggong namalagi sa kaparangan kasama ang kanilang mga alagang tupa, natutulog sa ilalim ng mga bituin, sa gitna ng hangin o ulan. Mga putikang miyembro ng sangkatauhan, nagsisiksikan at nilalamig habang nakapalibot sa mga siga sa napakadilim na gabi, sinisikap na manatiling gising upang bantayan ang mga hayop na inaalagaan. Ang mga tupa naman ay likas na walang-kabatiran, matigas ang ulo, hindi mapakali at nangangamoy. Ang mga pastol ay mga lalaking walang pinag-aralan na may dumi pa sa ilalim ng mga kuko. Kuro ko wala na silang mga pag-asa...wala ng inaasam sa hinaharap, batid na wala ng mababago sa buhay nila. Ang buhay ay madaling mawalan ng kabuluhan kung sanay ka na sa mga kasuotang puno ng laway ng mga tupa at dumi nitong nakagitna sa mga daliri ng iyong mga paa. Nang hindi inaasahan, sumambulat ang langit sa maliit, malamig at madilim na mundo ng mga pastol na ito. Ang awit ng mga anghel ang sumabog sa dakong-giyerahan ng mundo at iprinoklama ang kagalakan ng langit sa kanilang tila mga walang-pag-unlad at walang-pagbabagong buhay! Nangasihulog ang mga tala at nangasisisabog ng mga pambihira at maririlag na kulay, habang nagbubukas ang langit at isang maringal na koro ng mga anghel ang nagsi-awit ng isang dakilang simponiya na naririnig magpasahanggang-ngayon! Nilusob ni Jesus ang madilim, malamig na mundo dala ang kagalakan ng langit at iyan pa rin ang regalo Niya sa iyo ngayon. Ang presensiya Niya sa buhay mo ang nagpapasayaw sa mga pastol at nagpapa-awit sa mga anghel. Ang puso mo ay maaaring maging isang pagsabog ng kagalakan dahil sa kapanganakan ng isang Sanggol 2,000 taon nang nakakalipas. Maaaring mapasaiyo ang kagalakan dahil kay Jesus...maaari kang maglakad ng may kapayapaan dahil sa Sanggol na ito. Ang unang pagsasalarawan ng mga anghel sa kapanganakan ni Jesu-Cristo ay ang salitang "kagalakan"...at ito ang marapat na unang magsalarawan din sa iyo! Kagalakan ang tatak ng bawat Cristiano dahil sa oras na tinanggap mo si Jesus sa iyong puso, ikaw ay tinatatakan panghabang-buhay ng Kanyang kagalakan. Ikaw ay naging sisidlan ng Kanyang presensiya kung saan laging ganap ang kagalakan. Ang iyong buhay ay nagiging makabuluhan habang dala ang batang Cristo sa madilim, hindi-mapakaling mundo na ito. Ang kawalan ng pag-asa ay naglalaho sa iyong pagtatanto na karangalan ang maging tagapaghatid ng kagalakan ng presensiya Niya sa sangkatauhan. Si Maria ang unang taong nagdalang-tao sa Diyos upang tayo man ay maaaring maging tagapagdala ng banal na DNA! Ang DNA ng langit ay itinititik na K-A-G-A-L-A-K-A-N!
Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com