Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Maaari ay ilang libong beses mo nang narinig ang kasaysayan ng Pasko, ngunit pinaniniwalaan mo ba ito? Niyakap mo na ba ang katunayan at ang katotohanang nito? O itinabi mo lamang ito bilang isa sa iyong mga Pamaskong pantasya kasama ng mga mahihiwagang sisidlan ng mga laruan at duwende?
Ang tunay na kasaysayan ng Pasko, yaong pinili kong ihabi bilang katotohanan sa aking buhay, ay ang kasaysayan ng isang dalagang pangkaraniwan, bata pa at hindi angkop. Pinili ng Diyos na ilagay ang sarili Niya sa sinapupunan ng dalagang ito upang ikaw at ako, isang araw, ang siyang magdadala ng Kanyang presensya sa ating mga buhay.
Ang Diyos Ama, ang Lumikha ng sandaigdigan, ang Nagsimula ng lahat ng maluwalhati at mahimalang mga bagay, ay pinili tayo upang maging daanan kung saan ang ating henerasyon ay matatanggap ang pinakadakilang handog. Ito ay isang himala na tayo ay tinawag upang maisabuhay si Jesus sa mundong ating kinagagalawan.
Mararanasan lamang ng mundo ang galak ng Kanyang kapanganakan sa abot ng maipapakita kong kagalakan. Malalasap lamang ng mundo ang kapayapaan ng Kanyang pagdating sa abot ng Kanyang kapayapaang aking maipahahayag. Malalaman lamang ng mundo ang pag-asa ng Pasko kapag ako ay tumugon sa kirot at pagkabigo bilang isang mananampalatayang umaasa. Makikita ng mundo ang Liwanag ng sandaigdigan kapag aking hahayaan ang buhay kong maging isang maningning na parola para sa sangkatauhan.
Ang Pasko ay hindi tungkol kay Maria ... o kay Jose ... o kina Elizabeth at Zacarias ... o sa mga pastol at mga Mago. Ang Pasko ay tungkol sa iyo! Ito ay ang pagbibigay mo ng panahon upang maipahayag ang presensya at pag-ibig ng ating Tagapagligtas sa kapanahunang ito. Ikaw ang handog na ngayon ay pinipili ng Diyos na ibigay sa iyong mundo. Ang iyong henerasyon ay desperado nang makita ang kaluwalhatian ng Tagapagligtas. Kung wala ka, maaaring hindi na nila malaman ang pangalan Niya o ang layunin ng Kanyang pagparito.
Habang pinagbubulay-bulayan mo ang mga panukala at mga balakin mo para sa Bagong Taon na na bubuo sa darating na 365 na mga araw, muli mo bang itatalaga ang sarili mo upang magpagamit ka sa Diyos? Ngayong araw ng Pasko, pagpapasyahan mo bang magpagamit sa Diyos upang ang buhay mo ang siyang maging sabsaban kung saan ang Tagapagligtas ng mundo ay matatagpuan?
Kagalakan! Sa iyong mundo! Si Jesus ay ipinanganak sa iyo. Ang Diyos ay naghahanap ng mga mananampalatayang may tapang at kagalakan upang yakapin ang himala ng Pasko, hindi lamang sa isang araw ng taon, kundi sa bawat araw ng bawat panahon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Ang 7 Last Words Ni Jesus
