Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 21 NG 25

Ang mga Mago ay nagpatirapa at sinamba nila si Jesus. Ito'y isang buong-buo at matinding pagsamba ng puso at hindi lamang nanggagaling sa bibig na tulad ng ginawa ni Haring Herodes. Ang sabi ni Haring Herodes ay nais niyang sumamba sa Hari ng mga Hudyo, subalit ito'y mula lamang sa kanyang bibig at tanging nagmumula lamang sa bibig ang kanyang layunin. Habang sinasabi ni Haring Herodes ang tungkol sa pagsamba, pagpatay ang nasa kanyang masamang puso. Itong mga nag-aral at iginagalang na mga lalaking ito, ang mga Mago, na malamang ay naglakbay ng mula 800 hanggang 900 milya upang hanapin ang bagong-silang na Hari, ay nagpatirapa nang sila'y nasa Kanyang presensya na. Si Jesus ay sanggol pa lamang, maaaring wala pa Siyang 2 taong gulang, noong sila'y nakarating subalit sila'y nagpatirapa sa kamanghaan at sa pagsamba. Habang si Jesus ay nagsasalita pa ng salitang pangsanggol at ngumangawa sa isang wikang ang ina lamang niya ang nakakaunawa, ang mga lalaking ito na kilala sa paglutas ng mga misteryo ng mga panahong iyon, ay nakadapa sa Kanyang walang hanggang presensya. Ang tunay na pagsamba ay laging may kasamang pagbabago ng posisyon at pagbabago ng katanyagan. Sa presensya ng Banal na Bata, ang mga lalaking ito ay walang pakialam sa tradisyon o sa liturhiya. Ang tanging alam nila ay karapat-dapat Siyang sambahin at nagpatirapa sila sa paanan ng Sanggol habang taos-pusong nagpupuri. Magpapatirapa ka ba sa Paskong ito sa presensya ni Jesus? Ang tunay na pagsamba ay laging may kasamang kagalakan! Nayanig ang mundo ng mga pantas na ito ng kagalakan na natagpuan nila sa presensya ni Jesucristo. Pinalitan nila ang mga sagisag ng kanilang karunungan at pinalitan ito ng kasuotan ng pagpupuri. Mapapakawalan mo ba ang kabuuan ng iyong damdaming pantao upang hayaang ang kagalakan ng Kanyang presensya ang siyang tumagos sa iyong mundo? Ang tunay na pagsamba ay laging may kasamang pagbibigay ng isang bagay na mahalaga. Ang mga Mago ay nagdala ng mga kayamanan sa munti Hari at sa Kanyang simpleng pamilya. Anong bagay na mahalaga sa iyo ang dadalhin mo kay Jesus sa Paskong ito? Ang pagsamba ay siyang lugar na tagpuan ng Diyos at ng sangkatauhan. Ito ang sandali kung saan nagpapatirapa ang sangkatauhan dahil sa kagalakan! Ang kamalian ng marami sa atin ay nagpapagambala tayo sa "madyik" ng kapanahunan samantalang ang tunay na nagaganap ay siyang mahimala. Ang himala ng Pasko ay isang pagpili lamang. Gagawin mo ba ang pagkakamaling maghangad ng niyebe, mga regalo at pamilya? O ititingin mo ba sa itaas ang iyong mga mata para sa himala ng Pasko?

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com