Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 1 NG 25

Pasko Na! Tayo na't maglakbay patungong Betlehem habang marahang ninanamnam ang kuwento ng Pasko sa Biblia. Ang salaysay ng kapanganakan ni Jesus ay hindi nag-uumpisa sa Betlehem o Nazaret ...ito ay nag-uumpisa sa mag-asawang matanda na nag-aasam ng katuparan ng buhay na inilaan sa Diyos. Kaibig-ibig ang pagsasalarawan ng Biblia kay Elisabet at Zacarias: “Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos at namuhay nang tapat sa mga utos at tuntunin ng Panginoon.” - Lucas 1:6 Matagal nang mag-asawa sina Elisabet at Zacarias ngunit wala silang mga anak. Bagama't matinding lungkot ang dulot nito sa pari at kanyang asawa, saad sa Biblia na patuloy silang naging tapat sa bawat aspeto ng kanilang pakikipag-ugnay sa Panginoon. Paano ka tumugon sa kabiguan? Ginagamit mo ba itong katuwiran para sa pagpapakalabis o pagdadaing at pagrereklamo? Bagama't bigo si Elisabet at Zacarias sa pag-aasam na magkaroon ng supling, patuloy silang nagsilbi sa Panginoon nang buong puso sa pagdaan ng mga taon. Sabi ng Bibliang malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid! (Santiago 5:16) Kapag patuloy kang namumuhay nang tapat...at patuloy na nananalangin...ang mga panalangin mo ang gagawa para sa iyo. Sabi ng Biblia ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay. (Mga Hebreo 10:38) Si Elisabet at Zacarias ay patuloy na lumakad sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita. Sa katunayan, ang ibig sabihin ng Elisabet ay "Ang Diyos ang aking Panunumpa". Kung ang ibang nasa kalagayan niya ay matagal nang biguang sumuko, patuloy pa ring nanangan si Elisabet sa mga pangako ng Diyos. Nanalig siyang siya ay pinakikinggan ng Panginoon habang may pananabik na pinanonood ang mga kaibigan na nag-aalaga ng kanilang mga anak, at maraming taon matapos ay inuugoy ang kanilang mga apo sa pagtulog. Umaasa ako na ang unang aral na matutunan mo sa kuwento ng Pasko ay ang maging matiyaga sa pag-aantay sa tugon ng Diyos. Magtiwala sa Diyos kahit hamon ang iyong mga sitwasyon. Patuloy na mamuhay nang matuwid may kabiguan man ang buhay. Manalangin nang taimtim at manalig na ikaw ay pinakikinggan ng Diyos. Patuloy na yakapin ang positibong saloobin sa iyong puso bagama't hindi mo nakakamit ang kagustuhan mo. Hayaan ang kaibig-ibig na katauhan ni Elisabet ang magpaalaala sa iyo na ang mga tunay na mananampalataya ay lumalakad sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com