Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Lumaki si Maria sa kaparehong nayon ni Jose na malaki ang agwat ng edad sa kanya. Posibleng bagama't sa malayuan lang ay may pagtingin na sila sa isa't isa ... marahil inantay lang ni Jose ang kinagigiliwang Maria na magdalaga!
Nasa bahay si Maria isang hapon, marahil ginagawa ang kanyang damit pangkasal o nananahi ng mga tuwalya para sa lilipatang tahanan nang maramdaman niyang may kasama siya sa silid. Malamang sinipat ni Maria ang silid para tingnan kung may pumasok dito.
“Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, 'Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!
Para kay Maria ang Pasko ay paghamon na maunawaan kung ano ang saysay ng kalugdan ng Diyos. Hindi magtatagal ay matututunan ni Maria na ang kalugdan ng Diyos ay hindi nangangahulugan ng buhay na palaging masaya o ng katuparan ng lahat ng iyong minimithi. Malaking sakripisyo ang ilalaan ng mga kinalulugdan ng Diyos; ang kalugdan Niya ay nangangahulugan lang na handa Siyang gamitin ka.
Nais kasangkapanin ng Diyos ang mga kabataan, walang pinag-aralan at walang gaanong karanasan sa Kanyang engrandeng plano para sa sangkatauhan. Tulad ng pagpili ng Diyos sa sinapupunan ni Maria, naniniwala ako na ang kaluguran ng Diyos ay nakalaan sa sinumang handa na maging kabahagi ng stratehiya ng Diyos sa makasaysayang panahon na ito.
Para kay Maria ang Pasko ay naging ukol sa pag-diskubre ng matalik na pakikipagpalagayang-loob sa Diyos na hindi pa niya kailanman naranasan dati. Hindi magtatagal makakaharap na ni Maria ang katotohanan na ang kaluguran ng Diyos ay nagaganap kapag ibinahagi ng Diyos ang isang bahagi Niya sa isang nilalang. Ang Diyos ay hindi na isang konsepto na lang o isang Banal na Katauhan na hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Dahil sa mensahe ni Gabriel, ang mismong presensiya ng Diyos ang sumalakay sa buhay ng dalagang ito, na kamakailan lang ay puro si Jose lang ang iniisip.
Ang maranasan ang presensiya ng Diyos sa mga bagong paraan ay isa sa pinakamagaling na bahagi ng Pasko para sa akin! Ang isiping nais ng Diyos na kasangkapanin ako sa panahong ito ay isang biyaya na hindi ko maisip makita sa ilalim ng puno ng Christmas tree ng buhay!
Ang madiskubre ang sariwang pamumuhay ng matalik na pakikipagpalagayang-loob sa presensiya ni Jesus ay ang makapagbabagong-buhay na regalo ng Diyos sa iyo ngayong taon.
Ang Pasko ay ang ihayag sa mundo ang, “Sumasaakin ang Panginoon ... at sumasaiyo rin! Kahanga-hangang sorpresa!”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Paglalakbay Tungo sa Sabsaban](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9390%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)