Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang kasunduang magpakasal ay isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng dalawang tao. Ito ang panahon kung saan ang mga oras ay pinapalipas sa pangarap ng tuwang darating. Ito ang natatanging oras sa buhay ng isang tao kung saan ang pag-ibig ay tila perpekto at mapagkakatiwalaan.
Ang kuwento ng pagmamahalan nina Jose at Maria ay kasindak-sindak at hindi maipaliwanag na nagambala. Buntis si Maria at alam ni Jose na hindi siya ang ama. Tiyak na nagtaka si Jose kung si Maria ba ay nagahasa bagama't tahimik nitong iginiit na ang bata sa kanyang sinapupunan ay inilagay doon ng Banal na Espiritu.
Naisip kaya ni Jose na nahihibang si Maria? Paano pa maipapaliwanang ang nakapipinsalang pagbabago ng mga pangyayari? Ang isang dating maganda ay nabahiran ng pangit. Ang dati'y inaabangan ay kinatatakutan ngayon.
Tila hindi naniwala si Jose sa kuwento ni Maria dahil binalak niyang hiwalayan siya ng palihim. Ito ang pinakamabuti at pinakamapagmahal na pagpili ng isang binata na naharap sa bingit ng pagtataksil. Maaaring hinayaan na lamang niya siyang batuhin ng mga tao bago ipanganak ang bata. O kaya, pagkapanganak, ay maaaring hinayaan niyang batuhin ng mga tao ito at ang bata. Ang pagpapaalis sa kanya upang hindi na marinig pang muli ay ang pinakamapagmahal na sakripisyo sa panig ni Jose.
Tila imposibleng isipin ang naging kalungkutan ni Jose sa Diyos dahil sa sinapit ng pinakaiibig niyang si Maria. Si Maria ang kanyang mundo at ngayon ay hindi na niña ito nais makita. Naniwala ba si Jose na ang babaeng kanyang pinapangarap ay isinuko ang kanyang dangal sa ibang lalaki?
Hindi nararapat kay Jose ang ganitong kataksilan o kabiguan. Ang "nararapat" sa kanya ay isang kasalang puspos ng pag-ibig at pangako.
Ngayon, marahil ang reputasyon ni Jose ay nabahiran para sa mga taga-Nazaret.
Kinailangang harapin ni Jose ang mga magulang ni Maria pati na rin sa kanya. Kahit na inosente siya naroon pa rin ang posibilidad na hindi siya paniniwalaan. Walang kasiyahan para sa isang sawi at malungkot na gaya ni Jose.
Kinakaharap mo ba ang matinding kabiguan ngayong Pasko? Panalangin ko para sa'yo na hayaan mong matakpan ng pangako ng Pasko ang mapait na kalagayan ng iyong buhay. Huwag mong hayaang balutin ng pighati ang Pasko, subalit hayaan mong baguhin ng Pasko ang pighati mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Paglalakbay Tungo sa Sabsaban](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9390%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)