Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Naniniwala ang mga istoryador ng Bibliya na halos 1 milyong bisita ang naglakad nang malayo sa mga kalsada ng maliit na bayang ito na ang pangalan ay "Bethlehem".
Anong mangyayari kung 1 milyong tao ang lumusob sa iyong bayan? Ano ang gagawin niyan sa disenyo ng trapiko sa inyo? O kaya ay sa haba ng pila sa pamilihan? O sa mga hotel na dati nang punung-puno?
Hindi pa natin nararanasan ang salitang "abala" na tulad ng nangyari sa Bethlehem nang napakahalagang gabing iyon. May mga asnong umuungal at mga nagtitindang sumisigaw; may parada ng mga kamelyo, mga tao, mga maniningil ng buwis at mga opisyal ng bayan na nagtutulakan at nagsasalyahan sa kanilang pagbagtas sa maalikabok na daan ng Bethlehem. Naroon ang amoy ng dumi ng hayop at ang amoy ng nagsisiksikan at pinagpapawisang mga katawan sa bawat kanto ng bawat kalye.
Matindi ang tensyon ng mga tao, ang kanilang mga pitaka ay wala nang laman at lahat sila'y sawa na sa sakim na pamahalaan. Ito'y isang pulutong ng mga taong hindi alam kung nasaan sila o kung paanong makakapunta sa lugar na kailangan nilang puntahan. Parang nasa ika-21 siglo, di ba?
Pinili ng Diyos ang ganitong sandali ng kaguluhan at kalituhan...puno ng tensyon at bagsak na ekonomiya...bilang lugar ng kapanganakan ng Kanyang Anak. Pinili ng Diyos na lusubin ang nagsisiksikang trapiko ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na lalaki.
Hinayaan natin ang buhay nating maging magulo, nakalilito at hindi na mapigil na kaguluhan tulad ng alin mang bayan sa anumang bahagi ng mundo, sa anumang panahon ng kasaysayan. Ang kagandahan ng Pasko ay ang pagbabago sa layunin ng pagiging abala na dala ng Kanyang presensya!
Ninais ng Diyos na malabanan ang ating magastos na paraan ng pamumuhay kaya't ipinadala Niya ang ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Batid ng Diyos na kailangan natin ng sagot sa kasawiang dala ng tensiyon kaya't ipinadala Niya ang Pinakamamahal ng kalangitan bilang ating kasagutan.Sa kalagitnaang ng sangkatauhan at walang-tigil na ingay, ang Tagapagligtas ay isinilang. Ang panalangin ko ay sa taong ito, sa gitna na iyong napakaraming gawain sa buhay, magkakaroon ka ng panahong pagmasdan ng may pagmamangha ang Sanggol sa sabsaban.
Huwag mong palampasin ang banal na pakikipagtipan sa Pasko dahil sa pagiging abala mo sa mga pansamantalang aspeto ng panahon! Ang kaluwalhatian ng Pasko ay ang himala ng Kanyang presensya... isang sanggol na nasa sabsaban.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Paglalakbay Tungo sa Sabsaban](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9390%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)