Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang mga anghel ay likas at napakahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pasko. Hindi magaganap ang Pasko kung wala ang mga mensaherong ito na ipinadala ng Diyos mula sa langit. Hindi natin alam kung nakasuot ba ang mga anghel ng mahahabang, puting damit, o kung may mga sinag ba sila sa kanilang mga ulo na nagniningning o kung sila ba ay lumilipad sa kanilang mga pakpak patungo sa kaganapan ng Pasko, ngunit ang alam natin ay yaong dal-dala ng mga anghel na ito ang puso ng Diyos patungkol sa napakahalagang pagdiriwang na mangyayari noon!
Ang mga anghel ay apat na beses na nagpakita sa nakaugaliang kasaysayan ng Pasko at sa bawat pagkakataon, bagama't iba't-ibang bahagi ng impormasyon ang kanilang dala-dala ukol sa kaganapan, ang kanilang mensahe ay pareho pa rin, "Huwag kayong matakot!" Ito ang sinabi ng anghel kay Zacarias, pagkatapos ay kay Maria, at sumunod kay Jose at sa kahuli-hulihan ay sa mga pastol na nasa tabi ng burol.
"Huwag kayong matakot!"
Naniniwala akong marahil ay ito ang mensaheng ipinapadala sa iyong puso ngayong panahon ng Pasko. Malinaw na ipinapahayag ng Pasko na si Jesus at ang takot ay hindi magkasingkahulugan. Nang dumating sa eksana si Jesus, walang dahilan upang matakot. Makapangyarihang natatanggal ng Kanyang presensya ang anumang dahilan upang matakot.
Panahon na para sa iyo na humakbang papalayo sa iyong takot patungo sa Kanyang presensya. Ipinapanalangin kong ngayong Pasko, at sa bawat araw ng darating na taon, mauunawaan mong nang si Jesus ay ipinanganak sa iyong puso, tunay ngang wala nang anumang dahilan upang matakot o mag-alala. Ang mensahe ng Pasko ay hindi pa rin naman masyadong nagbago simula noong 2,000 taon na ang nakakaraan at maipapangako ko na ang mga salita ng mga anghel ay malinaw pa rin tumataginting sa ating mundo nasa ika-21 siglo, "Huwag kayong matakot!"
Kapag ang mga pangyayari sa buhay mo ay gumuguho, paalalahanan mo ang iyong sarili, "Huwag kang matakot!"
Kapag kulang ang pera para sa pambayad ng mga kailangang bayaran, paalalahanan mo ang sarili mo, "Huwag kang matakot!"
Kapag nakakaranas ka ng pagkabigo, sakit ng damdamin o kalungkutan, paalalahanan mo ang sarili mo, "Huwag kang matakot!"
Ipinangako ng Diyos na ibibigay Niya ang Kanyang kapayapaan sa mga taong ang puso at isip ay nananatili sa Kanya. Ang kapayapaan ay hindi ang kawalan ng mga suliranin; ito ay ang presensya ng Diyos. At dahil kay Jesus, ngayong Pasko, at sa bawat Paskong darating, maaari kang magkaroon ng kapahingahan sa Kanyang napakalaki at kasiya-siyang kapayapaan!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Paglalakbay Tungo sa Sabsaban](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9390%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)