Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 11 NG 25

Si Elizabet ay nasa alapaap pa rin ng himala sa ikaanim na buwan niyang pagbubuntis nang dumating si Maria sa kanyang bahay. Si Maria, ang dalagang piniling ipagbuntis ang Tagapagligtas ng mundo, ay nagmadali na bisitahin ang nakakatanda at mas maalam niyang kamag-anak, si Elizabet, habang iniisip niya ang lahat ng mga nangyari sa kanyang mundo. Nang pumasok si Maria sa bahay ni Zacarias at Elizabet, ang lalaking sanggol na nasa loob ng sinapupunan ni Elizabet ay napatalon sa kagalakan! Sa saglit na si Juan, kahit hindi pa pinapanganak, ay naramdaman ang presensya ni Jesus ang Mesias, siya ay napatalon sa kagalakan! Si Juan, habang nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina at hindi pa nakikita si Jesus ng kanyang mga mata, ay alam na ang presensya ng Panginoon. Mayroon lamang isang posibleng tugon sa presensya ng Panginoon, at ito ay kagalakan! Ipinahayag ni Elizabet kay Maria na ito'y hindi normal lang na pagsipa ng bata na naramdaman niya sa kanyang loob - ito ay napakalakas na talon! Si Juan ay sumisigabong sa kagalakan habang nasa presensya siya ng Panginoon! Ang espiritu ni Juan ay tumutugon sa Banal na Espiritu ni Jesu-Cristo kung saan ay palaging puno ng kagalakan. Marahil habang dumaan ang mga taon, ang magpinsan na ito ay naglalaro sa kani-kanilang mga bahay. Nagtataka ako kung sa tuwing naglalakad si Jesus patungo sa isang kuwarto, ang masiglang bata na si Juan ay nagsimulang nagtatalon-talon! Ang kanyang ina, si Elizabet, na pinalaki sa tahanan ng pari at nakapag-asawa ng isang pari, ay maaaring sawayin siya, "Juan anak, huwag kang tumalon! Napakaliksi mo, anak.” “Pero ina, hindi ko mapigilan! Sa tuwing nakakasama ko si Jesus ang mga binti ko ay nagsisimulang tumalon sa kagalakan!” Sa tuwing naglalakad papunta sa ating mundo, papunta sa ating mga buhay at papunta sa ating mga tahanan, tayo ay dapat tumugon ng may buong kagalakan. Ang puso natin ay dapat magsimulang tumalon gaya ni Juan. Sa Kanyang presensya ka lamang makakaranas ng kagalakan. Makauwi man ang iyong mga anak sa Pasko, makatanggap ka man ng gabundok na mga regalo, mag dekorasyon ka man ng mga napakagarang palamuti…ang lahat ng mga ito'y hindi makakapuno ng kagalakan sa iyong puso. Sa Paskong ito, maglaan ng puwang sa Kanyang presensya. Maglaan ng oras sa iyong mga kaibigan at kapamilya sa pag-awit ng mga Awit ng Pasko; basahin nang magkasama ang kuwento ng kapanganakan Niya mula sa Biblia. Ang Pasko ay nagbibigay sa atin ng kasiguraduhan na habang tayo ay nabubuhay sa mundo, tayo ay tagapakinabang ng kagalakan ng langit!

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com