Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

"Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” (Lucas 1:37)
Ang Pasko, para kay Maria, ay ang matuklasan ng lubos ang katotohanan ng pahayag na ito. Sa taunang pagsapit ng Pasko, dapat nating panghawakan nang may buong pananampalataya na walang imposible sa Diyos! Ang Pasko ay isang paalala na dapat nating ituon ang ating paningin sa Kanyang Kabanalan at hindi sa ating mahinang sangkatauhan.
Tuwing sasapit ang Pasko, marami sa atin ang nakatuon sa kanya-kanyang sarili ... sa kung ano ang mga ninanais natin at mga bagay na sa tingin natin ay nararapat sa atin. May mga nagnanais ng bagong bahay ... o mamahaling alahas ... o na makumpleto ang buong pamilya sa panahong ito. May mga naniniwala ring nararapat silang makatanggap ng bonus sa pasko, maraming regalo sa ilalim ng Christmas tree, o kaya'y may ibang taong dapat na mag-asikaso ng kanilang mga gawaing-bahay sa panahong ito.
Kung ito lamang ang iyong ninanais, malaking bagay ang nawawala sa 'yo! Maling-mali ang pagkaka-intindi mo sa Pasko! Hindi mo nakikita ang malaking aral na mapupulot nating lahat sa buhay ni Maria:
Ang mga plano natin ay walang halaga kung ikukumpara sa pag-aantala ng Diyos sa mga ito. Ang pinakamakabuluhang mithiin na maaari mong yapusin ay ang hingin sa Diyos na antalaain Niya ang iyong buhay ng Kanyang pag-ibig at ng Kanyang mga plano.
Ang hindi nailalarawan sa mga bersong ito ay ang publikong pang-aalipusta na kakaharapin ni Maria. Ang babaeng nagulo ang mundo ng isang mensahe mula sa langit, ay ngayo'y duduraan at mumurahin ng iba sa kanyang paglalakad. Dati ang tingin sa kanya ay "dalisay" at "birhen", ngayon ang kanyang reputasyon ay kawala at walang-delikadesang babae. Malamang sa kanyang paglalakad sa balon sa kanilang nayon, napariringgan siya ng mga magaspang na pananalita ng mga lalaking nangungusap ng mga kalaswaan sabay ng malakas na tawanan.
Natutunan ni Maria, at marapat na matutunan din natin, na ang Pasko ay hindi ukol sa sarili. Ang Pasko ay ang mamatay sa sarili, sa ating mga kagustuhan at sa normalidad. Ang Pasko ay ang malakas na pag-aanunsiyo ng trumpeta na ni isa sa atin ay hindi na mula ngayong maaaring mabuhay para sa mga pantaong layunin na lang. Tayong lahat ay niyapos ng tawag ng Pasko na umaalingawngaw mula sa puso ni Maria para sa ating mundo ngayon, "Mabuhay para sa Kanyang mga Layunin! Mabuhay tanging para kay Cristo!"
Ang Pasko ay ukol sa pamamagitan ng Diyos sa ating mga ordinaryong buhay; ito ay ukol sa pagsulpot ni Cristo sa ating mga pagkukulang at kabiguan.
Ang Pasko ay hindi ukol sa akin - ito ay ukol sa pagpapakita ni Jesus sa Kanyang sarili sa pamamagitan ko at sa akin! Iyan ay talagang dapat ipagdiwang!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Ang 7 Last Words Ni Jesus
