Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Si Zacarias ang paring napili upang magsunog ng insenso sa Templo ng Panginoon para sa sambayanan. Subalit noong naroon na siya sa tabi ng altar ng insenso, may dumating na hindi-inaasahang bisita! Pinadala ang anhel na Gabriel mula sa langit upang maghatid ng isang nakakapukaw na mensahe para kay Zacarias at Elisabet.
"Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong panalangin," ang mga winika ng anghel noong mga makasaysayang sandaling iyon. Tahimik ang Diyos nang may 400 taon at sa sandaling iyon, narinig ni Zacarias ang malinaw na tinig ng kasagutan sa kanilang ipinanalangin mula pa nang sila ay ikasal maraming-maraming taon nang nakakalipas.
Matapos ang maraming taon ng pag-aantay at pananalangin, mararanasan na sa wakas nina Elisabet at Zacarias ang tugon ng langit sa kanilang buhay at pagpapamilya. Totoo ba ito? Posible bang sa kabila ng ilang dekadang sila ay mag-asawa, na mabuntis at manganak ng isang lalaki? Kakayanin ba ng matanda at maselang katawan ni Elisabet ang 9 na buwang pagbubuntis at ang sakit ng panganganak? Diyos, Ikaw ba ay tunay na ganito kabuti?
Totoo: Walang pasubaling naririnig ng Diyos ang iyong mga panalangin. Mataimtin na pinakikinggan Niya ang iyong mga hiling at kaluguran Niya kapag ang isang mananampalataya ay walang pasubali at hindi nahihiyang lumapit sa Kanya. Itinuturo ng Biblia sa mga Cristiano ng bawat salinlahi na humingi at patuloy na humingi, maghanap at patuloy na maghanap, kumatok at patuloy na kumatok! (Mateo 7:7)
Ano ang iyong ipinapanalangin? Maaaring isang hindi-ligtas na asawa ...isang suwail na anak ...kalayaang pinansiyal ...mga pagkabahalang pangkalusugan ang taon nang nangingibabaw sa iyong mga panalangin. Kailangan mong parisan sina Elisabet at Zacarias na patuloy na nanalangin nang may pananalig at pag-asa!
Pasko ang panahon na marapat nating asahan ang paglusob ng langit sa ating maalabok at maruming mundo. Sa Pasko naaalala natin na ang mga himala ay totoong nangyayari, ang mga panalangin ay totoong sinasagot at ang langit ay singlayo lang ng isang tugon.
Pinararangalan mo ang Diyos kapag hinihingan mo Siya ng imposibe! Espesyalidad ng Diyos ng Pasko ang imposible!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Joy! to Your World! A Countdown to Christmas](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F396%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ang mga panalangin ay natutugunan at ang kalangitan ay isang sagot lamang ang layo. Sa pamamagitan ng mga karanasan nina Maria, Jose, Zacarias at Elizabet, ng mga pastol at mga lalaking pantas, sinisiyasat ng debosyonal na ito ang kahalagahan ng unang Pasko at kung paano ito bumabagtas sa ating mga buhay sa ngayon.
More
Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9212%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
![Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F809%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13463%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![Paglalakbay Tungo sa Sabsaban](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9390%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
![Bagong Taon, Mga Bagong Awa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13613%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
![Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1032%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Bagong Buhay sa Bagong Taon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54457%2F320x180.jpg&w=640&q=75)