Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John PiperHalimbawa

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

ARAW 7 NG 7

Binubuhay Na Muli Ng Banal Na Espiritu Ang Ating Mga Katawan

Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo. —Mga Taga-Roma 8:11

Ang Diyos ay lubos na nagmamalasakit sa ating mga katawan. Kung hindi ito totoo, hahayaan Niyang mabulok ito sa libingan at magpapaalam na sa iyo. Ngunit hindi Niya ito ginawa. Hindi, nilikha ka ng Diyos na may katawan at nilikha ka Niya para sa Kanyang kaluwalhatian.

Kung ganoon ay bubuhayin Niya ang iyong katawan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu gaano man ito nasugatan, o nasira, o nadayupay, o tinamaan ng sakit, at gagawin Niya itong napakalakas, napakalusog, napakaganda, na kapag nakita ko ito, sasabihin ko, Ang tulad mo ay ang malawak at kulay bughaw na kalangitan sa tag-araw. Kawangis mo ang kaningningan ng milyon-milyong mga bituin sa madilim na kalawakan. Ang iyong liwanag ay kasing-tingkad ng sa araw; oo, sa iyo ay nakikita ko ang karingalan ng kaluwalhatian ni Jesu-Cristo na Siyang lumikha sa iyo, tumubos sa iyo, binuhay kang muli, at niluwalhati ka ng Kanyang kaluwalhatian magpakailanman."

Saan makakatagpo ang isang tao ng kapangyarihan upang magpatuloy sa isang buhay ng pag-ibig kung napakakaunti ng mga gantimpala dito sa lupa? Saan nakakakuha ang isang asawang lalaki o asawang babae ng lakas ng damdamin upang patuloy na magbigay kahit na walang kapalit? Saan kumukuha ang isang lalaki o babaeng may naising mag-asawa ng lakas upang makontento sa loob ng pitumpung taon ng pagiging binata o dalaga? Saan kinuha ni Jesus ang lakas upang mapagtiisan ang krus at ang kahihiyan (Mga Hebreo 12:2)?

Dahil sa kagalakang nakalaan sa atin sa muling pagkabuhay ay kaya nating tiisin ang lahat para kay Cristo. Hindi ipinangako ni Jesus na ang pagsunod sa Kanya ay magagantimpalaan ng mga tao sa buhay na ito. Ang ating kagalakan ay dumadaloy mula sa hindi matitinag na pag-asa ng Mga Taga-Roma 8:11, hindi sa nagbabagong sitwasyon ng ating buhay. "Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo."

Kung talagang naniniwala kang ang Diyos ay para sa iyo at hindi laban sa iyo, at bibigyang buhay Niya ang iyong katawan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu na nananahan sa iyo, at anumang mabuting isinusuko mo sa buhay na ito ay ibabalik sa iyo ng maka-isandaang beses sa muling pagkabuhay ng mga matuwid (Marcos 10:28-30), at ikaw ay magliliwanag na tulad ng araw sa kaharian ng iyong Ama, magkakaroon ka ng hindi nauubos na bukal ng kalakasan upang patuloy mong gawin ang mabuting siyang pagkatawag ng Diyos sa iyo may nagpapahalaga man nito o wala.

Para sa karagdagang matututunan: http://www.desiringgod.org/messages/the-spirit-will-give-life-to-your-mortal-bodies

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

7 Debosyonal na Babasahin mula Kay John Piper Tungkol sa Banal na Espiritu

More

Nais naming pasalamatan si John Piper at ang Desiring God sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.desiringgod.org/