Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John PiperHalimbawa
![Live By The Spirit: Devotions With John Piper](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3841%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ginagabayan Tayo ng Banal na Espiritu
Paulit-ulit tayong tinutulungan ng Banal na Kasulatan upang mabigyang kahulugan ang mga palaisipan ng buhay: mga pag-aasawang nauuwi sa kabiguan, mga suwail na anak, mga pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, mga bansang nagaaway-away, ang pagbalik na muli ng mga dahon sa panahon ng pagsibol, ang walang ampat na pag-asam ng ating mga puso, ang pagkatakot sa kamatayan, ang paglaki ng mga anak, ang pandaigdigang gawi ng pagpuri at paninisi, ang paglaganap ng kapalaluan, at ang paghanga sa pagkakait sa sarili.
Pinagtitibay ng Biblia ang banal na pinagmulan nito dahil sa muli at muling pagbibigay ng kahulugan nito sa ating karanasan sa totoong mundo at sa pagtuturo nito sa atin sa daan ng pagkakasundo. Kaya't inaasahan kong ang isa sa mga doktrinang ating pakamamahalin na kaya nating mamatay (at mabuhay!) para rito ay ang katotohanang ang Banal na Espiritu ang banal na may-akda ng lahat ng nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Kung mayroon lamang tayong isang buong araw upang pag-usapan ang napakagandang pahiwatig ng doktrinang ito! Ang walang hanggang Banal na Espiritu, ang Espiritu ng pag-ibig at kaluguran sa pagitan ng Ama at ng Anak, ay ang Siyang may-akda ng Banal na Kasulatan.
- Samakatuwid, ito ay totoo (Mga Awit 119:142) at maaasahan sa kabuuan nito (Mga Hebreo 6:18).
- Ito ay makapangyarihan, at ginagawa nito ang Kanyang layunin sa ating puso (1 Mga Taga-Tesalonica 2:13) at hindi ito bumabali sa Kanya na siyang nagpadala nito nang hungkag (Isaias 55:10–11)
- Ito ay dalisay, katulad ng pilak na pinadalisay sa hurno ng pitong beses (Mga Awit 12:6)
- Ito ay nagpapabanal (Juan 17:17).
- Ito ay nagbibigay ng buhay (Mga Awit 119:37, 50, 93, 107; Juan 6:63; Mateo 4:4).
- Ginagawa nitong matalino ang tao (Mga Awit 19:7; 119:99–100).
- Nagbibigay ito ng kagalakan (Mga Awit 19:8, 119:16, 92, 111, 143, 174) at nangangako ng malaking gantimpala (Mga Awit 19:11).
- Nagbibigay ito ng kalakasan sa mga nanghihina (Mga Awit 119:28) at kaaliwan sa mga nababagabag (Mga Awit 119:76) at gabay sa mga naguguluhan (Mga Awit 119:105) at kaligtasan sa mga nawawala (Mga Awit 119:155; 2 Timoteo 3:15).
Ang karunungan ng Diyos sa Banal na Kasulatan ay hindi mauubos. Kung ang doktrinang ito ay totoo, sa gayon ay napakalalim at malayo ang maaabot ng mga pahiwatig nito kung kaya't ang bawat bahagi ng ating buhay ay apektado.
Upang may matutunan pa: http://www.desiringgod.org/messages/the-holy-spirit-author-of-scripture
Tungkol sa Gabay na ito
![Live By The Spirit: Devotions With John Piper](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F3841%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
7 Debosyonal na Babasahin mula Kay John Piper Tungkol sa Banal na Espiritu
More
Mga Kaugnay na Gabay
![Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F13048%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan
![Plano sa Pakikipaglabang Espirituwal](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F9220%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Plano sa Pakikipaglabang Espirituwal
![Krus at Korona](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F11337%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Krus at Korona
![Mga Mapanganib na Panalangin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F18063%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Mapanganib na Panalangin
![Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12737%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
![Gusto Ka Ni Jesus](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54855%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Gusto Ka Ni Jesus
![God Is for You](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54859%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
God Is for You
![Mga Katangian Ni God](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54187%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Mga Katangian Ni God
![Bagong Taon, Bagong Pamumuhay](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54853%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Bagong Taon, Bagong Pamumuhay
![Iniisip Ka Ni Lord](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54858%2F320x180.jpg&w=640&q=75)