Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John PiperHalimbawa
Ang Banal Na Espiritu Ay Ginagawa Tayong Matiwasay
Sa Kanya...ikaw...ay tinatakan ng ipinangakong Banal na Espiritu, na Siyang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian! —Mga Taga-Efeso 1:13-14
Ang pinakamatinding ninanais ng Diyos para sa Kanyang bayan ay ang tayo ay magkaroon ng katiwasayan sa Kanyang pag-ibig at sa Kanyang kapangyarihan. Ang lahat sa buhay ay maaaring hindi matatag—ang ating kalusugan, ang ating pamilya, ang ating trabaho, ang ating pag-aaral, ang ating pamayanan, ang ating mundo. Sa kahit anong antas ng mga ito ay maaaring makaramdam ka na parang nasa pasimano ka ng ika-apatnapung palapag habang may di-inaasahang hangin. Nararamdaman mong nawawala ang iyong balanse at mahuhulog ka na, at bawat hawakan mong ladrilyo ay natatanggal sa kanyang pagkakasemento.
Dahil ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapurihan ng Kanyang kaluwalhatian, at dahil ang paniniwala sa Kanyang Salita ay pinalalaki ang kaluwalhatiang iyon, ang Diyos ay gumagawa ng mahahalagang hakbang upang siguraduhin sa sarili Niya ang laki ng Kanyang kaluwalhatian sa habang panahon: tinatatakan Niya ang mananampalataya ng Banal na Espiritu, at tinitiyak Niya na darating tayo sa ating pamana na nagpupuri sa Kanyang kaluwalhatian.
Masidhi ang pagnanasa ng Diyos na magkaroon Siya ng mga taong mabubuhay nang walang hanggan sa ikakapuri ng Kanyang kaluwalhatian kaya hindi Niya hahayaan na ang ating walang hanggang tadhana ay mapasalalay sa ating likas na kapangyarihan ng pagpayag o paggawa. Inatasan Niya ang Espiritu Santo na sumaatin at gawin tayong matiwasay magpakailanman.
Ipinadadala ng Diyos ang Espiritu Santo bilang nananatiling tatak upang ilagak ang ating pananampalataya, bilang isang nagpapatunay na tatak upang pagtibayin ang ating pagiging anak, at bilang tatak na mag-iingat sa atin upang mailayo sa mga mapaminsalang puwersa. Ang punto ay nais ng Diyos na maging matiwasay tayo at maging ligtas sa Kanyang pagmamahal at kapangyarihan.
Sa Mga Taga-Efeso1:14, sinasabi ng Diyos na, "Ang matinding pagnanais Ko para sa mga naniniwala sa Akin ay ang maging matiwasay sila sa Aking pag-ibig. Pinili Ko kayo bago pa man itinatag ang mundo. Itinalaga ko kayong maging mga anak ko habambuhay. Tinubos Ko kayo sa pamamagitan ng dugo ng Aking Anak. Inilagay Ko sa inyo ang Aking Espiritu bilang tatak at garantiya. Kaya, tatanggapin ninyo ang pamana at papupurihan ang kaluwalhatian ng aking biyaya magpakailanman (ayon sa pananalita ng may-akda).
At sinasabi ko sa inyo ito dito sa Mga Taga-Efeso 1 dahil nais kong maging matiwasay kayo sa Aking pag-ibig at sa Aking kapangyarihan. Hindi Ko ipinapangako sa inyo ang isang magaang buhay. Sa totoo lang, daranas kayo ng maraming kapighatian upang makapasok sa kaharian ng Diyos (Mga Gawa 14:22). Hayaan mong sabihin Ko uli ito: Pinili Kita. Itinalaga Kita; Tinubos Kita; tinatakan Kita ng Aking Espiritu. Ang iyong mana ay tiyak, dahil desidido akong dakilain ang kaluwalhatian ng Aking biyaya sa iyong kaligtasan."
Matuto ng iba pa:http://www.desiringgod.org/messages/sealed-by-the-spirit-to-the-day-of-redemption
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7 Debosyonal na Babasahin mula Kay John Piper Tungkol sa Banal na Espiritu
More