Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mabuhay Sa Pamamagitan ng Banal na Espiritu: Mga Gabay na Babasahin ni John PiperHalimbawa

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

ARAW 1 NG 7

Ang Banal na Espiritu ang Kaluguran ng Diyos

Ang Banal na Espiritu ay Diyos. Ang pagkataong naninirahan sa atin, gumagabay sa atin, at nagpapadalisay sa atin ay walang iba kundi ang Diyos, ang Banal na Espiritu. Ang payak na katunayan nito ay ang kadalasang pagtawag na “Banal na Espiritu ng Diyos.” Ang Banal na Espiritu ay “sa Panginoon.”hindi dahil nilikha Siya ng Diyos, kundi dahil kabahagi Siya sa kalikasan ng Diyos at nagmumula sa Diyos ( tingnan sa 1Mga Taga-Corinto 2:10–12).

Kung ang Anak ng Diyos ay katulad ng Ama na walang hanggan, na malinaw na sinasabi sa Juan 1:1–3, ang Banal na Espiritu ay tulad din nilang walang hanggan, dahil ayon sa Mga Taga-Roma 8:9–11, ang Espiritu ni Cristo ay iisa at kapareho ng Banal na Espiritu. Kung hindi ito totoo, maaari nating isipin na mayroong panahon kung saan ang Anak ay walang Espiritu at ang Ama ay walang Espiritu. Ngunit ang Banal na Espiritu ay lubhang mahalaga sa pagkakaugnay ng Ama at Anak. Siya ay, ayon sa pananalita ni Handley C.G. Moule“ang Bunga, ang Nagbubuklod, ang Behikulo, ng kanilang walang katapusang kaluguran at pag-ibig sa isa't-isa” (Person and Work of the Holy Spirit, p. 28)

Simula pa lamang sa walang hanggang simula ay minahal na ng Diyos Ama ang Anak, naroon na ang walang hanggang Banal na Espiritu ng pag-ibig at kaluguran sa isa't-isa, na isa ring banal na Katauhan. Samakatuwid, habang nananalangin si Jesus para sa iglesia sa Juan 17:26, hinihiling Niya sa Kanyang ama ang Banal na Espiritu noong Kanyang binanggit,“Ipinakilala na kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila

Ang pinakadakila sa lahat ng katotohanan na matutuklasan natin sa 7 debosyonal na ito ay ang katotohanang kapag ang Banal na Espiritu ay dumating sa ating buhay, dumarating Siya hindi lamang bilang Espiritu ng Anak, o kaya naman ay Espiritu lamang ng Ama, kundi bilang Espiritu ng walang hanggang pag-ibig sa pagitan ng Ama at Anak, upang maaari nating mahalin ang Ama ng pag-ibig na taglay ng Anak, at mahalin ang Anak ng pag-ibig na taglay ng Ama.

Upang may matutunan pa:http://www.desiringgod.org/messages/the-holy-spirit-he-is-god

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Live By The Spirit: Devotions With John Piper

7 Debosyonal na Babasahin mula Kay John Piper Tungkol sa Banal na Espiritu

More

Nais naming pasalamatan si John Piper at ang Desiring God sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.desiringgod.org/