Pananalangin Habang Dumadaan sa PagkabalisaHalimbawa
Piliin ang iyong pagtutuunan, at baguhin ang iyong isipan
Narito para maging mas madali sa 'yo, ang limang mga talata sa Banal na Kasulatan na binanggit namin kahapon. Basahin silang muli ngayon. Naisulat mo na ba sila? Isaulo ang mga ito! Idagdag ang anumang mga talata mula sa Banal na Kasulatan na narito sa gabay na ito na nakatulong sa 'yo.
Sa tuwing natutukso kang magsimulang mag-alala, manalangin sa Diyos gamit ang mga talatang ito.
Tandaan: Ang Diyos ay nagmamalasakit sa iyo, kaya't ibigay sa Kanya ang lahat ng iyong alalahanin. (1 Pedro 5:7 RTPV05)
Tandaan: Binibigyan ako ni Cristo ng lakas upang harapin ang anumang bagay. (Mga Taga-Filipos 4:13 RTPV05)
Panalangin Ngayon:
Panginoon, salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng lakas upang harapin ang lahat ng mga sitwasyon—kabilang ang pagkabalisa. Dalangin ko na sa tuwing nakakaramdam ako ng pagkabalisa, makatagpo ako ng lakas sa mga katotohanan sa Iyong Salita. Nawa'y punuin ako ng Iyong mga salita ng pag-asa sa mga sandali ng pagkabalisa. Nawa'y magliwanag sila sa dilim ng takot at kalungkutan. At nawa'y palayasin ng kanilang mga katotohanan ang bawat kasinungalingan, bawat pag-iisip na hindi mula sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, dalangin ko. Amen.
Ano ang susunod?
Kung nakita mong nakakatulong ang gabay na ito, isaalang-alang ang pagsali sa komunidad ng panalangin sa American Bible Society. Sama-sama tayong manalangin na ang ibang nangangailangan ay makatagpo ng pag-asa sa Salita ng Diyos. Para sumali, mag-sign up sa abs.bible/prayer.
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa ay maaaring gumapang sa ating buhay anumang sandali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat itong manatili! Anuman ang iyong kinakaharap ngayon, malalampasan mo ang pagkabalisa at ang mga mapanirang epekto nito habang nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga pangako sa Banal na Kasulatan. Maglakbay kasama namin sa mga susunod na araw habang gumagawa tayo ng mga hakbang upang wakasan ang pagtangan ng pagkabalisa sa ating buhay at magkaroon ng kapayapaan mula sa Salita ng Diyos.
More