Pananalangin Habang Dumadaan sa PagkabalisaHalimbawa
Ano ang Pagkabalisa?
Ang pagkabalisa ay maaaring sumugod sa atin kapag hindi natin kontrolado ang ating mga kalagayan o ang ating kinabukasan.
Maaaring ito ay kung ano ang nararamdaman mo bago ang pagsusulit sa paaralan, isang pagtatanghal sa opisina, sa unang date, sa kasal; o habang hinihintay ang mga resulta ng isang medikal na pagsusuri. Nais ng pagkabalisa na maging iyong kasama kapag nahaharap ka sa isang krisis sa pananalapi o sa isang relasyon na hindi na mababawi pa ang pinsala.
Ang pagkabalisa ay isang normal na tugon sa biglaan at hindi inaasahang mga pangyayari, sa nagbabadyang kawalan ng katiyakan sa hinaharap, o kahit sa mga matinding pinagdaanan. Ngunit ang pagkabalisa ay kadalasang nagbabanta ng higit pa sa isang panandaliang emosyon. Kapag wala kang kontrol, gusto kang kontrolin ng pagkabalisa at manatili sa iyong puso at isipan.
Kapag nanahan na ito, ang pagkabalisa ay maaaring magdulot ng mga pisikal na karamdaman, mga gabing walang tulog, at matinding kalungkutan. Maaari itong makaapekto sa iyong mga relasyon sa iba at napapanatili ang mapanirang siklo ng mga maling pagpapasya. Nasumpungan ng mga taong nakikipagpunyagi sa pagkabalisa na hindi ito nag-iiwan ng puwang para sa kagalakan at kapayapaan.
Ngunit ayaw ng Diyos na mamuhay ka nang may pagkabalisa. Nangangako ang Diyos na bibigyan ka ng pag-asa bilang kapalit ng iyong mga alalahanin (Mga Awit 62:5 RTPV05). Nais Niyang maging kanlungan mo, ang iyong tinatakbuhan para sa kanlungan at proteksyon mula sa pagkabalisa. Napakagandang kapalit sa kabalisahan!
Kung sa tingin mo ay nakulong ka sa patuloy na pag-ikot ng mga balisang kaisipan, nais ng Diyos na patahimikin ang bagyo sa loob mo. At may kapangyarihan Siyang gawin ito! Alam Niya ang hinaharap, at ang ngayon—ngayon!—nakahanda Siyang mamagitan sa iyong mga kalagayan at maging iyong ligtas na lugar.
Narito ang ilang hakbang upang matulungan kang matukoy ang pagkabalisa sa iyong buhay at ipagpalit ito sa kapayapaan ng Diyos.
- Basahin ang Mga Awit 62:5–8. Naisip mo ba kung ano ang magiging pakiramdam na umasa sa Diyos lamang? Paanong ang paglalagay ng iyong pag-asa sa isang makapangyarihan at mapagmahal na Diyos ay makakaapekto sa anumang kaganapang nagdudulot ng pagkabalisa na iyong kinakaharap?
- Hinihimok ng Salmista ang bayan ng Diyos na sabihin sa Diyos ang lahat ng kanilang mga kabalisahan. Nagawa mo na ba 'yun? Ano ang ipinangako mo bilang kapalit sa pagtitiwala mo sa Diyos?
- Ano ang magiging kahihinatnan para sa iyo na gumawa ng isang hakbang patungo sa pagtitiwala sa Diyos ngayon?
Panalangin Ngayon:
Ama, salamat sa pagiging isang ligtas na lugar para sa akin upang dalhin ang lahat ng aking mga alalahanin. Nababalisa na naman ako habang nakakaharap ang ______________. Tulungan mo akong umasa sa iyo, O Diyos, upang maging aking malakas na tagapagtanggol. Idinadalangin ko ang Iyong kapayapaan habang nahaharap ako sa mga pangyayaring hindi ko makontrol. Ngayon, inilalagay ko ang aking pag-asa sa iyo at sa iyong walang katapusang karunungan at kapangyarihan. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa ay maaaring gumapang sa ating buhay anumang sandali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat itong manatili! Anuman ang iyong kinakaharap ngayon, malalampasan mo ang pagkabalisa at ang mga mapanirang epekto nito habang nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga pangako sa Banal na Kasulatan. Maglakbay kasama namin sa mga susunod na araw habang gumagawa tayo ng mga hakbang upang wakasan ang pagtangan ng pagkabalisa sa ating buhay at magkaroon ng kapayapaan mula sa Salita ng Diyos.
More