Pananalangin Habang Dumadaan sa PagkabalisaHalimbawa
Ang Pagpuksa sa mga Kasinungalingan ng Pagkabalisa
Ang kabalisahan ay nagsisinungaling sa atin. Ginagawa nitong kakaiba ang pakiramdam natin sa ating mga katawan, pinupuno tayo ng takot at kahihiyan, at inihihiwalay tayo. Katulad ng isang siga sa paaralan, pinahihirapan tayo nito araw-araw sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tulad ng,Hindi nagmamalasakit sa 'yo ang Diyos, hindi na maiiwasan ang sakuna, hindi mo ito matatakbuhan, at hindi ka makapagtitiwala sa kahit sinuman.Ang kabalisahan ay hindi nakaugat sa katotohanan. Ang isang balisang isip ay isang isip na naniwala na sa mga kasinungalingan tungkol sa iyong sarili, sa iyong mga kalagayan, sa iyong kinabukasan, at tungkol sa Diyos. Ang mga kasinungalingang iyon ay nagbabalatkayo sa ating mga imahinasyon at maaaring parang makatotohanang mga senaryo.
Ngunit maaari nating labanan ang mga kasinungalingan ng pagkabalisa sa tulong ng Banal na Espiritu at sa kapangyarihan ng Banal na Kasulatan.
Hayaan ang mga katotohanan mula sa Salita ng Diyos na maiayon ang iyong mga iniisip para maranasan mo ang higit na kalayaan at kagalakan. Narito ang apat na katotohanang maaari mong tanggapin ngayon:
- Mahal ako ng Diyos at nagmamalasakit Siya. Naniniwala ka ba na mahal ka ng Diyos nang walang pasubali? Totoo 'yan! Mahal na mahal ka ng Diyos. At Siya ay nagmamalasakit sa kung ano ang iyong pinagdadaanan. Gusto Niyang maging ligtas at maging kanlungan mo. Habang naiintindihan mo at tinatanggap mo ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo, ang takot ay titigil sa pagpapahirap sa iyo dahil walang takot sa pag-ibig; Ang ganap na pag-ibig ay nagpapalayas sa lahat ng takot (1 Juan 4:18).
- Ang Diyos ang may kapamahalaan. Dumarating ang pagkabalisa kapag hindi natin makontrol ang ating mga kalagayan at nakakalimutan nating magtiwala sa Diyos. Ngunit ang Diyos ang nakapangyayari, at Siya ay namamahala nang may karunungan. Iba man ang ating nakikita, maaari tayong magtiwala na ang Diyos ang may kontrol at hindi Siya tumitigil sa pagbibigay ng pansin (Awit 121:4).
- Hindi ako pababayaan ng Diyos. Nais ng pagkabalisa na maniwala tayo na tayo ay nag-iisa sa ating mga kalagayan. Ngunit ipinangako ng Diyos na hindi Niya tayo iiwan o pababayaan (Deuteronomio 31:6). Sa bawat panahon, anuman ang sitwasyong kinakaharap natin, kasama natin Siya sa bawat hakbang. Ang pagkaalam na ang Diyos ay lagi mong kasama at hindi mo kailangang harapin ang anumang bagay na mag-isa ay magdadala sa iyo ng kapayapaan.
- Nasa isip ng Diyos ang kabutihan ko. Kapag nahaharap sa mahihirap na sitwasyon, maaari tayong matukso na maniwala na ang Diyos ay wala sa ating panig. Kung ang Diyos ay para sa akin, paano Niya pinahihintulutan ang masasamang bagay na mangyari sa akin? Ngunit ipinapaalala sa atin ng Banal na Kasulatan na ang Diyos ay laging gumagawa para sa ikabubuti ng bawat isa na nagmamahal sa Kanya (Mga Taga-Roma 8:28). Ang Diyos ay mabuti at ang Kanyang katangian ay ang maging mabuti sa iyo. Kahit na tila hindi nagbabago ang mga pangyayari, ang Diyos ay gumagawa pa rin sa iyo upang magbunga ng pananampalataya, pag-asa, at pagtitiwala sa bawat unos ng buhay. .
Panalangin Ngayon:
Panginoon, alam kong mahal Mo ako at nagmamalasakit Ka sa akin kaya ngayon, sinisimulan kong alisin ang pag-aalala. Lumalaki ang tiwala Ko sa 'yo. Kahit na ang mga bagay ay hindi sigurado, ilalagay ko ang aking pag-asa sa Iyo at sa Iyong mabubuting layunin para sa aking buhay. Tulungan Mo akong sirain ang maling pag-iisip at akayin Mo ako sa Iyong landas ng katotohanan. Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabalisa ay maaaring gumapang sa ating buhay anumang sandali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat itong manatili! Anuman ang iyong kinakaharap ngayon, malalampasan mo ang pagkabalisa at ang mga mapanirang epekto nito habang nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga pangako sa Banal na Kasulatan. Maglakbay kasama namin sa mga susunod na araw habang gumagawa tayo ng mga hakbang upang wakasan ang pagtangan ng pagkabalisa sa ating buhay at magkaroon ng kapayapaan mula sa Salita ng Diyos.
More