Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pananalangin Habang Dumadaan sa PagkabalisaHalimbawa

Praying Through Anxiety

ARAW 3 NG 7

Kapag Hindi na Makontrol ang Pag-aalala

Madalas na binabanggit ng Biblia ang pag-aalala. Marahil dahil nagbibigay tayo ng maraming oras sa paggawa nito. Ang isang pag-aaral ng American Psychiatric Association noong 2022 ay nagpakita ng pangkalahatang antas ng pagkabalisa na patuloy na tumataas bawat taon, kung saan may dalawa sa limang tao na nakakuha ng mababang grado pagdating sa kalusugan sa isipan.

Tumataas din ba ang iyong pag-aalala?

Hinihila tayo ng mga panggigipit sa buhay patungo sa pag-aalala para sa hinaharap sa tuwing hindi natin binabantayan ang ating mga puso. Madaling magsimula ang pag-aalala. Kung hindi ito napahihinto sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Salita ng Diyos at panalangin, ang pag-aalala ay maaaring magbunga ng nakapanghihinang pagkabalisa. Habang mas nag-aalala tayo, lalo itong nakakapag-alala!

Ngunit si Jesus ay may ilang malalakas at puno ng pag-asang kaisipan tungkol sa pag-aalala para sa atin ngayon. Nilinaw Niya na hindi tayo dapat mag-alala. Hinihikayat Niya tayong ibigay ang lahat ng ating mga alalahanin sa Kanya (1 Pedro 5:7). At sa Sermon sa Bundok, ang pinakamahaba at pinakadetalyadong pagtuturo ni Jesus sa mga Ebanghelyo, sinabi Niya ito sa atin ng limang beses.

Ang pagtawag na “huwag matakot” ay matatagpuan sa Biblia ng 365 beses. Dahil alam natin ang hilig nating mag-alala, marahil ay nais ng Diyos na ipaalala sa iyo na bawat araw ng taon maaari kang magtiwala sa Kanya na kaya Niyang harapin ang iyong mga takot.

Ano ang nagtutulak sa iyo upang magsimulang mag-alala? Sinabi ni Jesus na dapat nating alalahanin kung ano ang nais ng Diyos sa atin. Ipinangako Niya na ang Diyos ang bahala sa iba pa(Mateo 6:33).

Paano naiiba ang Kanyang diskarte sa paraan ng pamumuhay mo ngayon? Isipin muli. Ano ang inaalala mo ngayong araw? Noong nakaraang linggo, nakaraang buwan, o kahit noong nakaraang taon? May nagbago ba? Ano ang natututuhan mo mula sa Salita ng Diyos na tutulong sa iyo na huwag mag-alala kahit na hindi kaagad nagbabago ang mga bagay?

Narito ang ilang hakbang sa pagkilos upang mapanatili ang iyong pagtuon sa Diyos sa buong araw at araw-araw ng taon:

  • Basahin ang Mateo 6:25–34. Paano nagsasalita sa iyo ang talatang ito tungkol sa iyong mga personal na alalahanin? Anong mga alalahanin ang nangangailangan ng iyong pansin? Ibigay ang bawat isa sa kanila sa Diyos.
  • Kung si Jesus ay nakatayo sa iyong harapan ngayon at sinabi sa iyo na Siya ay may probisyon para sa iyong pangangailangan, ano ang mararamdaman mo? Manahimik sa harap ng Panginoon sa panalangin habang iniisip mo ang talata ngayon.
  • Maghintay sa katahimikan ng ilang sandali sa presensya ng Diyos. Tanggapin ang regalo ng Kanyang kapayapaan bilang kapalit ng iyong takot. Ano ang mararamdaman mo kung dala mo ang kapayapaang ito sa buong araw?

Panalangin Ngayon:

Panginoon, kung ang pag-aalala ay isang paligsahan sa Olympics, ako ay mananalo ng medalya! Turuan Mo akong huwag mag-alala o mawala sa paningin ang mas malaking larawan ng Iyong pagmamahal at layunin para sa aking buhay. Dahil sa takot, para akong nakakulong, ngunit ngayon, nais kong ipagpalit ang aking mga alalahanin para sa Iyong kapayapaan. Tiyakin sa aking puso ngayon ang Iyong walang hanggang pag-ibig at paglalaan para sa aking bawat pangangailangan. Sa pangalan ni Jesus. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Praying Through Anxiety

Ang pagkabalisa ay maaaring gumapang sa ating buhay anumang sandali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat itong manatili! Anuman ang iyong kinakaharap ngayon, malalampasan mo ang pagkabalisa at ang mga mapanirang epekto nito habang nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa panalangin sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang mga pangako sa Banal na Kasulatan. Maglakbay kasama namin sa mga susunod na araw habang gumagawa tayo ng mga hakbang upang wakasan ang pagtangan ng pagkabalisa sa ating buhay at magkaroon ng kapayapaan mula sa Salita ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang American Bible Society sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://americanbible.org/prayer/