Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 11 NG 20

N: Nagkatawang-tao (became flesh)

Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. (Juan 1:14)

Si Hesukristo ay ang Diyos na Nagkatawang-Tao. Ginawa Niya ito bilang tanda ng grasya’t pagmamahal ng Panginoon dahil walang anuman at walang sinuman sa ating mundo ang maaaring magligtas sa atin mula sa kaparusahan ng ating mga kasalanan.

Bawat kasalanan ay nangangailangan ng perpektong sakripisyo upang tayo’y patawarin ng Diyos. Dahil sa Kanyang grasya’t pagmamahal, ang Diyos na mismo ang nagkatawang-tao at gumawa ng daan upang tayo’y magbalik-loob sa Kanya.

Nawa’y maalala natin ang kagandahan ng kabutihan ng Panginoon, hindi lamang tuwing Semana Santa, ngunit sa araw-araw nating pamumuhay. Ito ang kaisa-isang dahilang kung bakit tayo’y maaaring magdiwang tuwing Semana Santa: ang Diyos natin ay tunay ngang mabuti’t mapagmahal.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas