Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa
O: Olibo (olive)
Pitong araw pang naghintay si Noe, at pagkatapos ay muli niyang pinalipad ang kalapati. Pagbalik nito kinagabihan, ito’y may tangay nang sariwang dahon ng olibo. Kaya’t natiyak ni Noe na kati na ang tubig. Nagpalipas ng pitong araw si Noe saka pinalipad muli ang kalapati. Hindi na ito nagbalik. (Genesis 8:10-12)
Maging noon pa man, ang olibo ay simbolo na ng kapayapaan. Ito rin ay pinagkukunan na ng pagkain at langis.
Matapos magkaroon ng baha sa buong mundo dahil sa galit ng Panginoon sa sangkatauhan, nagdala ang kalapati ng sanga ng olibo kay Noah bilang tandang humupa na ang baha at maaari na silang mapayapang bumaba mula sa arkong pinagawa ng Panginoon.
Sa panahon ni Kristo, isang makahulugang simbolo rin ang olibo; sa hardin ng mga olibo (Getsemane) Siya nagdasal noong gabi bago Siya arestuhin, ikulong, at ipako sa krus.
Ipinapakita lamang nito at pinapatunay na ang Diyos na mismo ang naghatid sa atin ng kapayapaan at kabuuan sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo. Ganito Siya kabuti sa atin. Ganito Niya tayo kamahal. Kailanman ay hinding-hindi tayo magiging karapat-dapat sa kapayapaan at kabuuan, ngunit ipinagkaloob pa rin ito ng Diyos sa atin—isang katotohanang karapat-dapat lamang nating ipagdiwang at ipagpasalamat sa araw-araw.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas