Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa
S: Santo (saint)
Lagi kayong magpasalamat sa Ama sapagkat minarapat niyang makabahagi kayo sa mga pangako ng Diyos para sa mga hinirang na nasa liwanag. (Colosas 1:12)
Ang santo ay isang taong tinawag o hinirang ng Panginoon upang Siya’y pagsilbihan. Ang salitang “santo” ay unang ginamit sa Bagong Tipan bilang tawag sa sinumang tagasunod ni Hesukristo.
Bilang mga Kristyano, tayo ay iisa na sa mga pinabanal na hinirang ng Panginoon. Nabubuhay na tayo ngayon sa grasya ng Panginoon, at tayo’y tinatawagan Niyang ipalaganap din ang Magandang Balitang ito sa iba—lalo na sa ating pamilya’t mga mahal sa buhay.
Bilang mga santo, tayo’y nabubuhay na sa liwanag ng Panginoon at sa tagumpay ni Hesukristo sa krus. Marami man tayong pagsubok na pinagdadaanan, maaari tayong magdiwang dahil sa pag-asang dala ng Diyos sa ating buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas