Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 19 NG 20

W: Walang hanggan (no end, forever)

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)

Ito ang pangako ng Panginoon sa atin: sa ‘Ngalan ng Kanyang anak na si Hesukristo, tayo’y may buhay na walang hanggan. Hindi magwawakas ang pagpapakita Niya ng grasya, kabutihan, at pagmamahal sa atin kapag tayo’y pumanaw na dahil tayo’y tinubos na ni Hesus mula sa ating mga kasalanan at tayo’y kinikilala na ng Diyos bilang Kanyang mga anak.

Noong tinanggap nating Panginoon at Tagapagligtas si Hesus, tayo rin ay binigyan na ng Panginoon ng buhay na walang hanggan. Ito ang ating ginugunita at ipinagpapasalamat araw-araw, lalo na ngayong Semana Santa. Dahil sa grasya at pagmamahal ng Panginoon sa pamamagitan ni Hesus, tayo’y hindi na maaari pang mamatay. Pumanaw man tayo sa mundong ito, may naghihintay sa ating buhay at pahinga dahil sa Kanyang kabutihan.

Banal na Kasulatan

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas