Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 15 NG 20

R: Regalo (gift)

“Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito habang kasama pa ninyo ako. Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo. (Juan 14:25-26)

Marahil ay hindi na natin mabibilang sa ating dalawang kamay ang mga regalo ng ating Panginoon sa ating personal na buhay at maging sa ating mundo. Nariyan ang regalo ng Kanyang probisyon sa araw-araw, ang regalo ng pahingang ibinigay Niya sa atin anumang oras na kailanganin natin Siya, at marami pang iba.

Ngayong Semana Santa, isa rin sa ating ginugunita ay ang regalo ng ating Panginoon ng isang Tagapagligtas at Gabay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Noong umakayat na si Hesus sa kalangitan, ibinigay ng Panginoon bilang kasama natin ang Banal na Espiritu upang manahan sa atin sa araw-araw. Kailanma’y ‘di na tayo mag-iisa dahil lagi nating kasama ang Diyos Espiritu Santo.

Ngayong Semana Santa, huwag nating kalimutang pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng mga regalong Kanyang ibinigay sa atin, lalo na para sa presensya ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Sa hirap at ginhawa, tiyak na hinding-hindi tayo nag-iisa dahil kasama na natin magpakailanman ang ating mahal na Panginoon.

Araw 14Araw 16

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas