Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 12 NG 20

NG: Ngalan (Name)

Pakatandaan ninyo: ang nananalig sa akin ay makakagawa ng mga ginagawa ko, at higit pa kaysa rito, sapagkat babalik na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa pangalan ko ay gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Kung hihiling kayo ng anuman sa pangalan ko, ito ay aking gagawin.” (Juan 14:12-14)

Maging ang Ngalan ng Panginoon ay makapangyarihan. Sa ministeryo ni Hesus noong Siya’y nabuhay dito sa mundo, ang mga himalang ginawa Niya bilang patunay na Siya ay Panginoon ay ginawa Niya sa Ngalan ng Diyos. Maaari natin itong mabasa sa mga libro ng Mateo, Marcos, Lucas, at Juan.

Sa kasalukuyang panahon, ang mga tagasunod ng Diyos ay binigyan din Niya ng kapangyarihang gumawa ng mga himala sa Ngalan Niya. Kapag tayo’y nahihirapan, maaari rin tayong manalangin at tumawag sa Kanyang Ngalan at tayo ay Kanyang sasagutin at ililigtas.

Ang kalayaang tumawag sa Ngalan ng Diyos ay maaari na nating gawin dahil sa sakripisyo ni Hesus sa krus. Noong pinakaunang semana santa, naging tulay si Hesukristo upang malaya tayong makalapit sa ating Ama’t Panginoon.

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas