Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa
M: Magnanakaw (thief)
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.” (Lucas 23:40-43)
Noong ipako sa krus si Hesus, Siya ay napagitnaan ng dalawang magnanakaw. Ang isa ay sumampalataya sa Kanya habang ang isa nama’y tinuligsa Siya.
Maaari natin itong maging halimbawa kung gaano kalawak at kalalim ang grasya ng ating Panginoon; sa anumang oras at sa anumang punto ng ating buhay, kaya Niya tayong iligtas kung ito’y Kanyang pahihintulutan at kung bubuksan lamang natin ang ating mga puso sa katotohanan ng Kanyang mga pangako’t salita.
Nawa’y ang Semana Santa ay gamitin nating oportunidad upang ibahagi ang Magandang Balita ng sakripisyo ni Hesus sa ating mga mahal sa buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas