Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang ABKD ng Semana SantaHalimbawa

Ang ABKD ng Semana Santa

ARAW 9 NG 20

L: Leon (lion)

Buong kapaitan akong umiyak dahil walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at tumingin sa nilalaman niyon. Ngunit sinabi sa akin ng isa sa matatandang pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon mula sa lipi ni Juda, ang anak ni David ay nagtagumpay at may karapatang mag-alis sa pitong selyo at magbukas sa kasulatang nakabalumbon.” (Pahayag 5:4-5)

Bukod sa Tupa o Kordero ng Diyos, si Hesus ay kilala rin bilang Leon mula sa tribo ng Juda. Siya ang ipanangakong Tagatubos ng Diyos upang Siya ay makapiling natin habambuhay. Bukod dito, Siya lamang ang kaisa-isa at karapat-dapat na sakripisyo dahil wala Siyang bahid ng anumang kasalanan at Siya’y perpekto sa lahat ng paraan.

Anumang sakripisyo’t penitensyang gawin natin habambuhay, hindi natin matutumbasan kailanman ang ginawa ni Hesus sa krus. Siya na mismo ang nagsabing Siya lamang ang tanging daan, katotohanan, at buhay; “walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6)

Nawa’y tuwing ating aalalahanin ang sakripisyo ni Hesus, atin ding ipagpasalamat na tayo’y ipinaglaban Niya sa kamatayan at kasalanan. Hindi lamang Siya ang perpektong tupa ng Diyos; Siya rin ang leon mula sa tribo ng Juda na ipinaglaban tayo sa pamamagitan ng Kanyang dugo at laman.

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Ang ABKD ng Semana Santa

Ngayong Semana Santa, sabay-sabay nating alalahanin ang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus sa krus upang bigyang papuri ang ating Ama sa langit at iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://church.victory.org.ph/ortigas