Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa
Pambungad
Si Jesus ay naparito sa mundo upang mailigtas Niya ang sangkatauhan mula sa kanilang mga kasalanan. Naglaan Siya ng lubos na biyaya para sa bawat panahon ng ating buhay, at sa tuwing panahon ng Kapaskuhan ay iniisip natin nang may pagkamangha at paghanga kung paano Siyang nagpakumbaba upang mapalapit sa atin. Ang gabay na ito ay idinisenyo upang samahan kang maunawaan ang epekto ng pagsilang ni Jesus sa iyong hinaharap, kasalukuyan, at nakaraan. Walang bahagi ng iyong buhay na hindi maaabot at mapapagaling ng Kanyang walang hanggang kababalaghan!
Araw 1
Naisip mo na ba kung bakit sinabi ni Jesus na mas mabuting dumating ang Espiritu kaysa sa pisikal na kasama natin Siya? Ang Pasko ay kuwento ng Anak ng Diyos na nagkatawang-tao at nananahan kasama natin. Emmanuel. Ang pananahan ng Kanyang Banal na Espiritu ay Siya na dumarating upang manahan sa atin. Ang Banal na Espiritu ay espiritu ni Cristo, ang Kahanga-hangang Tagapayo, na nabubuhay sa loob natin at nagbibigay ng kapangyarihan sa atin na mamuhay tulad ni Jesus.
Ipinaliwanag ito ni William Temple sa ganitong paraan: “Walang magagawa kung bibigyan mo ako ng isang dula tulad ng Hamlet o King Lear at sasabihin mo sa akin na magsulat ng isang dula na katulad nito. Magagawa ito ni Shakespeare; hindi ko ito kaya. At walang kuwentang ipakita sa akin ang buhay na tulad ng buhay ni Jesus at sabihin sa akin na mamuhay nang ganoon. Magagawa ito ni Jesus; hindi ko ito kaya. Ngunit kung ang katalinuhan ni Shakespeare ay maaaring dumating at manirahan sa akin, kung gayon maaari akong magsulat ng mga dulang tulad nito. At kung ang Espiritu ni Jesus ay maaaring dumating at mabuhay sa akin, kung gayon maaari akong mamuhay ng ganoong buhay.” Nasa atin ang kaloob ng Banal na Espiritu na gumagabay sa atin mula sa loob upang mamuhay tulad ni Cristo.
Sa kabila ng katotohanang ito, marami sa atin ang nababalot ng pag-aalala tungkol sa hinaharap, lalo na sa Pasko. Ang ating mga katanungan ay maaaring magsimulang ubusin tayo. Sino kaya ako? Ano ang aking matutupad? Ano ang pamanang maiiwan ko? Nakalimutan na natin ang tinatawag ng Biblia na tatak ng pangako ng Diyos. Ang selyong ito ay isang legal na simbolo ng pagmamay-ari. Sa pamamagitan ng Kanyang espiritu, tayo ay minarkahan bilang mga anak na lalaki at babae na pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinaglalaanan. Binigyan Niya tayo ng "espiritu ng pag-aampon." Lahat ng mayroon Siya ay atin. Ito ang ating pamana ng biyaya, at hindi natin ito kayang ubusin. Ang pangako sa atin sa kasalukuyan ay kasama natin Siya sa bawat sandali. Ang pangako sa atin sa hinaharap ay Siya na nagsimula ng isang mabuting gawa sa atin ay magiging tapat upang tapusin ito. Hindi Siya kailanman nabigo noon, at hindi Siya mabibigo ngayon.
Kaya, anumang oras na mapapansin natin ang pag-aalala tungkol sa hinaharap, maaari tayong huminto at hilingin sa Banal na Espiritu na tulungan tayong matukoy kung saan nanggagaling ang damdaming iyon. Ang takot at pag-aalinlangan ay may parehong pinagmulan mula noong sa hardin. Kailangan nating itanong, "Anong kasinungalingan ang pinaniniwalaan ko na kumukuha ng aking kapayapaan?" Ang Kahanga-hangang Tagapayo at ang Prinsipe ng Kapayapaan ay iisa, at inaakay Niya tayo pabalik sa Kanyang sarili. Siya si Emmanuel, ang Diyos sa loob natin.
Hakbang ng Pagkilos: Maaari mo bang matukoy ang anumang bahagi ng pagkabalisa kung saan maaari kang nakikipagsosyo sa espiritu ng takot tungkol sa hinaharap? Anyayahan ang Banal na Espiritu na payuhan ka at ipaalala sa iyo kung ano ang totoo.
*Sipi mula sa Basic Christianity ni John R. W. Stott na teksto para sa unang araw na nilalaman ng debosyonal.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.
More