Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa
Araw 5
Sa linggong ito, ginugol natin ang ating oras sa pag-aaral tungkol sa mga tauhan sa Biblia na kailangang pagtagumpayan ang kanilang mga takot at pagkabalisa tungkol sa kanilang kinabukasan. Bagaman sila ay nababalisa, kinailangan nilang matutong umasa nang lubusan sa nananatili at hindi nagkukulang na katangian ng Diyos. Nalaman din natin ang tungkol sa Banal na Espiritu, ang ating Kahanga-hangang Tagapayo, na tapat na tutuparin ang Kanyang mga pangako sa bawat isa sa atin para sa ating kinabukasan.
Kapag iniisip mo ang iyong kinabukasan, ang unang bagay na naiisip mo ay marahil ang susunod na yugto ng buhay na iyong hinahanap, ang iyong limang taong plano, o marahil ang isang bagay na kinatatakutan mo ngayong linggo. Ang hinaharap ay maaaring maging kapana-panabik, kakila-kilabot, napakalaki, ngunit maaari ring puno ng pag-asa. Ngunit paano kung gagawa tayo ng isang hakbang sa labas ng ating limitadong panahon? Alam natin na sinasabi ng Banal na Kasulatan na kung ikaw ay kay Cristo Jesus, may pinakamabuting planong nakalaan para sa iyo, ngunit ito ay hindi hanggang sa matapos ang ating oras sa mundo.
Kapag iniisip mo ang langit, ano ang nakikita mo? Nakikita mo ba ang nakasisilaw na mga pintuang perlas? Ang makintab na kalye ng ginto? Isang tronong pinalamutian ng bawat uri ng hiyas? Bagama't ang lahat ng ito ay mga paglalarawan mula sa Kasulatan, ito ay simula pa lamang. Ang magandang imaheng ito ay walang sinabi kung ihahambing ito sa kung ano ang ating mararanasan.
Dahil kay Jesus, inaanyayahan tayong mamalagi sa piling ng ating Tagapagligtas, habang sinasamba Siya sa ganap na paraiso. Binibigyan tayo ng pagkakataong managana sa isang lugar kung saan walang luha, walang kalungkutan, walang sakit, at walang kasalanan. Sinasabi ng Kasulatan, “Hindi na magkakaroon ng kamatayan; Ang dalamhati, pag-iyak, at sakit ay mawawala na dahil ang mga naunang bagay ay lumipas na.” Ginawa Niyang bago ang lahat ng bagay. Ito ang ating kinabukasan. Ito ang ating pag-asa.
Hakbang ng Pagkilos: Pag-isipan kung ano sa iyong hinaharap ang pinahintulutan mong madaig ka kamakailan. Gumugol ng ilang oras sa pagbabahagi sa Diyos kung ano ang nasa isip mo at hilingin sa Kanya na patahimikin ang iyong espiritu. Salamat sa Kanya para sa kapayapaang matatagpuan sa Kanyang mga pangako ng tagumpay at walang hanggan pagsama sa Kanya sa langit.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.
More