Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

ARAW 4 NG 19

Day 4

Si Pedro ay isang tauhan sa Biblia na minsan ay nakakakuha ng masamang pamumuna. Itinanggi niya na kilala niya o may kinalaman siya kay Jesus noong papunta Siya sa krus. Isipin na lang kung paano siyang binabalik-balikan ng mga pangyayaring iyon sa kanyang pagtanda. Ngunit bago itinanggi ni Pedro si Jesus, siya at si Jesus ay nagkaroon ng isang espesyal na relasyon.

Si Pedro ay isa sa labindalawang apostol, ibig sabihin siya ay isang debotong tagasunod ni Jesus, at nakita niya Siya na gumawa ng maraming himala at kasama Niya sa kabuuan ng Kanyang ministeryo. Sa Mateo 16, tinanong ni Jesus ang Kanyang mga disipulo kung ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Kanya, dahil gusto Niyang malaman kung ang pagkakakilala ng mga tao sa Kanya. Kaya't sinabi nila sa Kanya, “... may nagsasabi na si Juan Bautista, si Elias, si Jeremias, o isa sa iba pang mga propeta.” Ngunit gustong malaman ni Jesus kung ano ang paniniwala nila tungkol sa Kanya, at ang pananampalataya ni Pedro sa sandaling ito ay tunay ngang natatangi. Sinabi niya, “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na buhay.”

“Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.”

Mateo 16: 17-19 RTPV05

Tinotoo ni Jesus ang sinabi Niya rito. Ito mismo ang ginawa Niya, at nagpatuloy si Pedro sa pagtatayo ng Simbahan. Nagsagawa siya ng mga himala, naging instrumento siya noong Pentecostes, at ang buhay ni Pedro ay nakaapekto sa Cristianismo tulad ng alam natin ngayon. Ngunit hindi ito nangangahulugan na naging madali ang buhay ni Pedro pagkatapos umakyat si Jesus sa Langit. Si Pedro ay ipapako nang patiwarik sa krus sa mga kamay ni Nero dahil hindi niya nadama na karapat-dapat na mamatay sa parehong paraan na ginawa ni Cristo. Siya ay tunay na nabuhay at pagkatapos ay namatay para kay Cristo.

Bagaman tiyak na may mga pagkakataong may depekto ang karakter ni Pedro, ang kanyang pananampalataya ay naging agresibo at lumakas sa paglipas ng panahon. Hindi niya pinahintulutan ang kanyang mga nakaraang kabiguan na lumikha ng takot sa kanyang hinaharap. Siya ay umasa nang may sigasig, batid na ang ipinagagawa sa kanya ni Jesus ay higit pa kaysa sa kanyang kawalan ng kapanatagan, kahinaan, at anumang takot sa tao. Nanatili ang kanyang pananampalataya hanggang sa kamatayan—at napakalaki ng epekto niya para sa Kaharian!

Hakbang ng Pagkilos: Anong mga nakaraang kabiguan ang pinahintulutan mong magdulot ng pakiramdam ng pagkatalo sa iyong hinaharap? Hindi natin alam kung ano ang bukas, ngunit alam natin na sinabi ni Jesus na hindi tayo lalakad nang mag-isa sa buhay na ito. Ipagdasal ang iyong kinabukasan ngayon, at magtiwala sa katotohanan na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo.

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.

More

Nais naming pasalamatan ang New Life Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://newlifechurch.tv