Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Hanggang Pagkamangha | Isang Gabay sa Pagbabasa para sa Pasko Mula sa New Life Church Halimbawa

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

ARAW 9 NG 19

Araw 9

Kapag naririnig natin ang kuwento ni Maria at ang paglilihi kay Jesus, ito ay tila hindi totoo at mahirap unawain. Iyan ang dahilan kung bakit nangangailangan ito ng pananampalataya; hindi likas sa atin na maniwala sa isang bagay tulad ng pagbubuntis sa pamamagitan ng Banal na Espiritu! Pero si Jose? Tiyak na nakaramdam siya ng pagtataksil, pagkawala, at sakit dahil tila hindi naging tapat ang kanyang kasintahan. Ang pag-asa at pananabik na humahantong sa kanilang kasal ay gumuho sa balita na siya'y nagdadalang-tao na.

Itinataas na ni Jose ang antas ng kanyang pag-unawa sa pamamagitan ng pagtatangkang hiwalayan si Maria nang "marangal at tahimik." Noong panahong iyon, ang batas ng mga Judio ay nagsasaad na kung si Maria ay hindi tapat, na siyang ipinapalagay nang pagkakataong iyon, siya ay sasailalim sa pagharap sa mga nakatatanda upang hatulan at batuhin hanggang mamatay. Bilang isang matuwid na tao, sinikap ni Jose na protektahan ang dangal ni Maria upang hindi ito matanggal sa kanya. Bagama't ginagawa niya ang marangal na bagay sa sitwasyong ito, hindi nito mababago ang dalamhati at kalituhan na nararanasan ni Jose.

Pagkatapos, isang gabi, nagbago ang lahat. Isang anghel ang nagpakita sa kanya sa isang panaginip at pinatunayan na ang ipinropesiya ni Isaias 700 taon na ang nakalilipas ay mangyayari sa wakas: ang ating Emmanuel, ang Diyos na kasama natin, ay ipanganganak ng isang birhen. Noon siya nagkaroon ng pananampalataya at katapangan na lumakad sa pagsunod at sundin kung ano ang inilaan ng Diyos para sa kanyang bagong pamilya.

Hindi lihim na ang buhay ay masalimuot. Walang sinuman ang hindi naaapekyuhan ng mga balita na ganap na gumugulo sa atin, mga panlilinlang na dumudurog sa atin, at mga pakikipag-ugnayan na nagbabago sa lahat sa isang iglap. Tulad ni Jose, may mga pagkakataong may mga sitwasyong ihaharap sa atin na hindi natin maunawaan. Ang mahirap pa minsang tanggapin ay, hindi natin makukuha ang mga sagot at kalinawan na nakuha ni Jose. Lahat ng mga nangyayaring ito a resulta ng ating pamumuhay sa isang sirang mundo. Ngunit kahit ganoon, maaari nating panghawakan nang mahigpit ang alam nating totoo: Ang Diyos ay mabuti, at gagawin Niya ang lahat para sa iyong ikabubuti at sa Kanyang kaluwalhatian.

Sa halip na hayaan ang isang nakakalito o nakakasakit na sitwasyon na ilayo ka sa landas, magtiwala sa Banal na Espiritu at hayaang gabayan ka ng Kanyang tinig. Maaari kang magtiwala sa Kanya, kahit na tila hindi makatwiran. Dahil sa pagsunod ni Jose, nagawa ng Diyos ang labis at sagana nang higit pa sa naisip niya. Sino ang magsasabing hindi Niya magagawa ito para sa iyo?

Hakbang ng Pagkilos: Pag-isipan ang isang pagkakataon na nawalan ka ng pag-asa, ngunit dumating ang Diyos at inihayag ang Kanyang layunin at kaluwalhatian sa iyo. Sumulat ng isang panalangin ng pasasalamat para sa Kanyang probisyon at hindi natitinag na katangian!

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Timeless Wonder | a Christmas Reading Plan From New Life Church

Ang tatlong-linggong gabay na ito ay nag-aakay sa atin tungo sa walang hanggang pagkamangha sa kung paano naparito ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Jesus. Ang gabay ay idinisenyo upang magsimula sa isang Lunes upang ang bawat katapusan ng linggo ay magsama ng mas maikling nilalaman na nilalayon para sa pahinga at pagmuni-muni sa panahon ng kapaskuhan. Samahan mo kaming pag-aralan kung ano ang kahulugan ng kapanganakan ni Cristo para sa ating kinabukasan, kasalukuyan, at nakaraan.

More

Nais naming pasalamatan ang New Life Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://newlifechurch.tv