Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa

Pursuing Peace

ARAW 6 NG 7

Mapayapa sa Kasalukuyan

Parang isang radikal na pagbabago ang alalahanin ang pagmamamahal, habag at katapatan ng Diyos sa simula ng ating araw. Sa dami ng ating ginagawa sa buhay, mahalagang maglaan tayo ng oras, sa simula man o sa pagtatapos ng araw, upang hingin ang kapayapaang handog ng Diyos sa atin. 

Kawikaang Aprikano:

Ang katahimikan ay nagbibigay daan sa kapayapaan at kasama ng kapayapaan ay naroon din ang seguridad. ~ Kawikaang mula sa Silangang Aprika

Sinasabi sa Mateo 5:9, “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos.” 

Ang pinakamalaking pagpapala, na maaari nating matamo kung ito’y ating makakamtan ay hindi para sa ating sarili kundi ang pag-aalay nito sa ating kapwa. Na maging tagapagbigay ng kapayapaan sa mundong desperado para rito. Maaari rin nating itong gawin sa pamamagitan ng pagdadasal para sa kapayapaan ng ibang tao, kapayapaan kung saan mayroong kaguluhan, pagkakaroon ng pag-unawa at karunungan ng mga namumuno at tagapamagitan sa lugar kung saan may hindi pagkakaunawaan. 

Kawikaang Aprikano:

Ang palagiang pagmamadali ay hindi nakakapigil ng kamatayan, at gayun din naman, ang pagmamabagal ay hindi nakakapagbigay-buhay. ~ Kawikaang mula sa Ibo

Pinakamainam na ang simbahan ay tumayong ‘buhay na larawan’ at saksi sa paggaling, sa pagkakasundo at pagpapanumbalik ng mga gawain ni Cristo. Ang platapormang nakatuon sa mga gawain ng Tearfund na tinatawag naRythyms ay maraming mga aksyon na maaari nating isagawa, upang buhayin ang ating pagiging tagapamayapa sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

Aksyon: 

Humayo at magmasid ng mga tao. Ipagdasal ang mga tao sa paligid sa paniniwalang hindi sila mga estranghero sa Diyos. Ipagdasal na maranasan nila ang pagmamahal ng Diyos at maramdaman nila ang buong presensya ng Diyos sa kabila ng anumang sitwasyon o kaguluhang mayroon sila sa kanilang mga buhay. 

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Pursuing Peace

Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv