Paghahanap ng KapayapaanHalimbawa
Mapayapa Kasama ang Diyos
At hindi lamang iyan, tayo ay nagagalak at nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa Kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.(Mga Taga-Roma 5:11)
Ang paghahanap sa kapayapaan ay bagay na maaari nating simulan para sa ating sarili at sa ating sarili. Matatagpuan ang kapayapaan sa maraming lugar. Maaaring sa spa, o sa gym o kung saan ka nakakapagpahinga. Magandang sadyain ang paghahanap ng lubos na kinakailangang santuwaryo.
Ang salitang santuwaryo ay nagmula sa salitang latin na ‘sanctus’ na ang kahulugan ay sagrado o banal. Sa ating paghahanap sa kapayapaan, pakaingatan natin na huwag malimutan ang pagiging sagrado nito.
Ang relasyon natin sa Diyos ay nabuong muli dahil kay Jesus. Si Jesus ang nagpanumbalik ng ating buhay na relasyon sa Ama, upang tayo'y matawag na mga kaibigan ng Diyos.
Tulad ng mga makabuluhang pagkakaibigan, dapat tayong maging tapat at maging bukas sa kahinaan upang ang relasyon na iyon ay lumalim. Ilapit mo sa Diyos ang lahat ng bagay na dapat mong isuko, hanapin mo ang Kanyang mapagmahal na kabaitan nang matamo mo ang kapayapaan. Hilingin mong patuloy kang ihulma sa anyong tulad ng kay Cristo.
Kawikaang Aprikano
Ipakita mo sa akin ang mga kaibigan mo at ipapakita ko sa iyo ang iyong pagkatao.~ Kawikaang Aprikano
Aksyon:
Makipag-usap sa iyong matalik na kaibigan at sabihin sa kanya kung ano ang pinapahalagahan mo sa inyong pagkakaibigan. Pagkatapos, pag-isipan mo kung paano ka makakabuo ng kahalintulad na relasyon sa Diyos, bilang tugon sa pagtawag Niya sa iyo na kaibigan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hinahanap ng Tearfund ang pamumuno ng Diyos sa kung paano maging isang aktibong tinig ng kapayapaan, pagbabalik ng relasyon, at pagkakaisa sa gitna ng mga komunidad sa buong mundo. Ang 7-araw na pag-aaral na ito ay may pang-araw-araw na mga aksyon para sa pagpapanumbalik ng iyong mga relasyon at pagdarasal para sa mundong ating pinamumuhayan, gamit ang mahahalagang karunungan mula sa mga kawikaan ng Aprika upang matulungan tayong matuklasan ang tunay na kapayapaan ng Diyos.
More